Monday , June 8 2026
Dead Road Accident

Sa Casiguran, Aurora
4 sugatan sa banggaan ng habal-habal, tricycle

SUGATAN ang apat na indibiduwal sa insidente ng banggaan ng isang tricycle at habal-habal sa bayan ng Casiguran, lalawigan ng Aurora, nitong Linggo, 19 Abril.

Batay sa kuha ng video ng vlogger na si Tambay Promax Vlog, makikita ang matinding salpukan kung saan tumilapon ang driver ng habal-habal, habang naipit ang driver ng tricycle kasama ang sakay nito sa likurang bahagi.

Sa inisyal na imbestigasyon, mabilis na umaandar ang habal-habal (kolong-kolong) sa paakyat at kurbadang bahagi ng highway dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver hanggang sumalpok sa kasalubong na tricycle.

Sugatan ang driver at sakay ng habal-habal at ang dalawa sa mga lulan ng tricycle ang nasugatan, kabilang ang isang matandang babae.

Agad na nagresponde ang mga tauhan ng Casiguran MPS, katuwang ang mga motorista at bystander sa lugar upang tulungan ang mga biktima.

Mabilis na isinugod sa ospital lulan ng mobile patrol ng pulisya ang mga sugatan para sa agarang pagbibigay ng atensiyong medikal.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at damage to property ang driver ng habal-habal.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

DHSUD Pag-IBIG Fund Lipa Batangas 4PH Program

Sa pinalawak na 4PH Program ni PBBM
DHSUD, Pag-IBIG Fund nagkaloob ng mga bahay at lote sa Lipa, Batangas

PATULOY na naghahatid ng bagong tahanan para sa mga pamilyang Filipino ang “Pinalawak na Pambansang …

Christy Imperial Apphle Celso Meg Imperial Ashtine Olviga

Apphle Celso proud kay Ashtine; Christy nahigitan pagpapa-sexy ni Meg

NATATAWANG ibinahagi ni Christy Imperial na hindi akalain ng pinsan niyang si Meg na malilinya siya sa pagpapa-sexy sa …

DOST-PCIEERD WHWise

Strengthening Women Through Innovation: DOST-PCIEERD Highlights WHWise Program for Women-Led Social Enterprises on Tekno PreSyensya

As part of its continuing efforts to promote women empowerment in innovation and entrepreneurship, the …

DOST-PCIEERD USTP open built environment laboratory in Northern Mindanao

DOST-PCIEERD, USTP open built environment laboratory in Northern Mindanao

Officials from the Department of Science and Technology-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology …

DOST-PTRI Regional Yarn Production and Innovation Center

DOST strengthens Mindanao textile industry with launch of first Regional Yarn Production and Innovation Center

KABACAN, Cotabato – The Department of Science and Technology–Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI), in partnership …