Thursday , June 4 2026

MC rider bumulagta sa pila ng P5K ayuda

042026 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

KINOMPIRMA ng Department of Social Worker and Development (DSWD) na isang motorcycle (MC) taxi rider ang  nasawi habang nakapila sa payouts center sa Quezon City Memorial circle nitong Sabado.

Ayon kay DSWD spokesperson, Assistant Secretary (ASec) Irene Dumlao, ang  namatay ay isang 44-anyos rider, residente sa Pasig City.

Aniya, inatake sa puso ang rider habang matiyagang nakapila para sa ayuda sa Quezon City Memorial Circle nitong Sabado, 18 Abril.

Agad umanong binigyan ng first aid at Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) pero wala na itong pulso at hindi na rin humihinga.

Isinugod pa ang rider sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Sa isang text message, nagpahayag ng matinding kalungkutan ang pamunuan ng DSWD sa insidente.

Ani Dumlao, personal na nagpaabot ng pakikidalamhati si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa pamilya ng namatay.

Ayon sa kalihim, agad nakipag-ugnayan ang DSWD sa ospital, pamilya ng driver, at employer nito matapos matanggap ang ulat mula sa Quezon City response team.

Agad din nag-utos si Gatchalian ng isang team para tumulong sa pamilya, at personal pa siyang bumisita at nakiramay sa ospital nitong Linggo ng umaga upang alamin ang kanilang pangangailangan.

Nagkaloob na rin ng tulong ang ahensiya para sa gastusin sa ospital, funeral, at burial arrangements, transportasyon ng mga kapamilya, at pagpapatuloy ng pag-aaral ng anak na babae ng namatay na driver.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …