Thursday , June 4 2026
Marilao Bulacan Police PNP

Naniningil ng pautang  
Indian national hinoldap 2 suspek inaresto ng taong-bayan 

ARESTADO ang dalawang suspek sa panghoholdap ng isang dayuhan sa Brgy. Abangan Sur, bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 18 Abril.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Jordan Santiago, hepe ng Marilao MPS, kinilala ang mga suspek na isang 42-anyos residente sa Meycauayan, Bulacan; at isang 25-anyos residente sa Caloocan.

Nadakip ang mga suspek matapos maaktohan sa isinagawang panghoholdap sa Alejandra St., sa nabanggit na barangay dakong 11:36 ng umaga kamakalawa.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang naniningil ng pautang sa isang tindera ang biktima na isang negosyanteng Indian national nang biglang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Biglang tinutukan ng baril ng unang suspek ang biktima kasunod ang pagdedeklara ng holdap habang kinapkapan siya ng ikalawang suspek.

Gayonman, nakapanlaban ang biktima at nagtulungan ang mga residente sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek sa tulong ng nagrespondeng mga pulis.

Narekober mula sa unang suspek ang isang kalibre .38 revolver na walang marka at serial number, may lamang apat na bala, habang nakuha mula sa ikalawang suspek ang halagang P2,200 na hinihinalang ninakaw mula sa biktima.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Person sa ilalim ng Article 294 ng Revised Penal Code at paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Inihahanda na ng imbestigador ang mga ebidensiya at dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek sa Tanggapan ng Provincial Prosecutor sa Malolos, Bulacan.

Samantala, pinapurihan ng Bulacan PPO sa pamumuno ni P/Col. Jay Baybayan, Officer-In-Charge, ang maagap na aksiyon ng Marilao MPS at ang aktibong pakikiisa ng komunidad na naging susi sa pagkakadakip ng mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …