MATABIL
ni John Fontanilla
NANINIWALA si Direk Fifth Solomon na part ng ikakaganda ng isang proyekto at mas mapapadali ang trabaho ng direktor kapag tama at maganda ang casting.
“For me kasi 90 percent of directing is casting, kasi kapag tama ‘yung na-cast sa role parang mapapadali na ang trabaho mo.
“And for me ay swak na swak naman ang mga role sa main at supporting ng series na ‘My Husband is a Mafia Boss.’
“Nararamdaman ko rin ‘yung hunger nilang lahat (cast) sa set, talagang they watch sa monitor.
“Pinapayagan ko rin naman sila, kasi ‘yung iba kasing direktor mahigpit eh. So, ako naman pinapayagan ko sila na mapanood nila.
“Para maintindihan din nila ‘yung proseso kung paano ba siya isinu-shoot, ano bang kailangan sa character mo, parang ganoon.
“Tapos, for me kasi mas mahirap mag-comedy kaysa drama, kasi ‘yung comedy dapat may timing ka eh, ‘pag wala kang timing corny ‘di ba.”
Masaya si direk Fiftth sa buong cast ng My Husband is a Mafia Boss at saludo sa husay ng mga ito.
Napapanood na ang serye sa Viva One at pinagbibidahan nina Rhen Escan̈o at Joseph Marco.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com