MATABIL
ni John Fontanilla
HUMINTO na sa ilang taong paghahanap sa kanyang ama si Max Collins.
Umabot na ang aktres sa puntong napagod at nagsawa sa paghahanap ng kanyang ama, kaya naman naisipan nitong tumigil na.
Anita, “Okay na ‘yon. Kasi wala naman siyang pakinabang sa buhay ko.
“Not to be mean, but it’s like my mom did everything.
“Siya ‘yung tumayong ina at ama sa aming pamilya. So hindi ko siya kailangan,” wika ni Max.
Ikinuwento rin ng aktres na naghiwalay ang kanyang mga magulang noong sanggol pa lang siya at hindi na muling nagpakita ang kanyang ama.
“Hindi naman niya ako hinanap. So bakit ko naman siya kailangang hanapin? It’s not out of anger,” dagdag pa ni Max.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com