Thursday , June 4 2026
Ralph Dela Paz

Ralph nag-celebrate ng birthday sa Malaysia at Singapore

MATABIL
ni John Fontanilla

LUMIPAD patungong Malaysia at Singapore ang actor at commercial model na si Ralph Dela Paz para i-celebrate ang kanyang ika-28 birthday at libutin na rin ang magagandang lugar sa nasabing bansa kasama ang kanyang pamilya.

First time time itong nakapunta ng Kuala Lumpur, Malaysia kaya naman sobrang nag-enjoy ito.

Tsika nga ng aktor, “Nag-celebrate po ako ng birthday out of the country. 

“First ko po ito sa Malaysia sa Kuala Lumpur, sobrang nag-enjoy po ako roon dahil ang babait ng mga lokal at ang pinaka-nagustuhan ko po roon is ‘yung lokal food nila.”

Dagdag pa nito, “Napasyalan ko rin ang Batu Cave, isa sa mga ngustuhan kong napuntahan sa Malaysia. 

“Habang nasa Malaysia nagpunta na rin po kami sa Singapore kasi 5 hours away lang po kapag nag-bus, para sidetrip and another country na rin,

“Pinaka-nagustuhan ko ring pinuntahan ‘yung Haji Lane, ang sasarap ng food doon. Kaya parang isang bakasyon pero dalawang bansa na po agad napuntahan, super happy po ng experience ko.”

Reward na rin ito ni Ralph sa kanyang sarili sa sunod-sunod na projects na kanyang nagawa.

Bale reward ko na rin po ito sa sarili ko, kakatapos lang din po ng shoot namin sa commercial and film. 

“At babang nasa Malaysia ako, roon ko rin po unang napanood ‘yung TVC ko sa Converge, kaya parang birthday gift na rin po ito sa akin.

“Isa po kasi ito sa nagawa kong TVC na lead ako.”

Ang nasabing commercial ay series, kaya wish ni Ralph na sana ay panoorin ang 1st episode nito at abangan pa ang mga susunod niyang commercial

Sana abangan at subaybayan n’yo po itong mga episode namin. Lumabas na po ‘yung episode 1. Abangan n’yo po ang mga susunod,” pagtatapos ni Ralph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …