Thursday , June 4 2026
Marty Romualdez

Konsi Marty Romualdez mainit na tinanggap  sa pagbisita sa Barangay 42

RAMDAM ang init ng pagtanggap sa pagbisita ni Councilor Marty Romualdez sa Barangay 42 kamakailan, na nakipagkwentuhan at nagpakita ng kalinga sa mga pamilya roon.

Iyon ang pagkakataon ni Konsi Marty para lumabas sa opisina at makapiling ang mga residente. 

Sa pamamagitan ng face-to-face consultations, nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na magbahagi ng kanilang mga kwento at saloobin na talagang pinakinggan ng konsehal. 

Kasabay nito ang pagpapaabot ng mga mahahalagang assistance program na layuning direktang makatulong at magbigay ng ginhawa sa mga pamilya roon.

Naging matagumpay ang lahat dahil sa maayos na pagtutulungan ng lungsod at ng mga masisipag na Barangay 42 Officials. Sila ang nagsilbing puso ng barangay para masigurong ang bawat tulong at serbisyo ay nakararating sa bawat pintuan. 

Sa bawat pakikipagkamay at tawanan, iisa ang layunin: ang matiyak ang pag-unlad ng 

 lungsod, bawat pamilya sa Barangay 42 ay kasama at hindi naiiwan.

Ang ating pagsisikap ay laging para sa tao,” ani konsi Marty. “Sa pagkakaisa at kabutihang loob na nakikita ko sa komunidad na, muli nating napatunayan na tayo ay magkakapitbahay na nagtutulungan. Gusto nating masiguro na lahat ay bahagi ng magandang kinabukasan na sabay-sabay nating binuo.”

Natapos ang pagbisita na punompuno ng pag-asa at may baong pangako para sa mga susunod pang araw. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …