Thursday , June 4 2026
Ervic Vijandre free gas

Konsi Ervic part 2 ng libreng pa-krudo ikinakasa na; pagbabalik-showbiz pinaghahandaan

ni MARICRIS VALDEZ

NAG-UMPISA sa paglibre sa nakasabay na tricycle driver na nagpapa-gas sa isang gasoline station sa San Juan na nauwi sa maraming bilang ng namamasadang tricycle driver ang nailibre ng gas ni Konsehal Ervic Vijandre ng San Juan City.

Sa ganitong paraan nag-umpisa ang panlilibre ni konsi Ervic ng gas sa mga tricycle driver na nakita niya kung gaano kasaya ang unang driver na nailibre at kung gaano kasarap sa pakiramdam nang gawin ang pagtulong.

Sa nangyari kasing biglang pagtaas ng krudo, ang best way na makatulong eh isang araw na libreng pagpapa-gas.

“Basta puno na depende naman sa kanila kung may laman pa o wala na iyong ginagamit nilang pangpasada,” wika ng konsehal.

Ayon sa aktor/politiko nang makakuwentuhan namin ito isang hapon sa isang restoran sa Rockwell Santolan, “nakasabay ko lang ‘yung driver ng tricycle habang nagpapa-gas din ako. Sabi ko lang, ako na magbabayad ng ipinakargang gas na magkano lang naman.

Nakita ko kung gaano siya (driver) kasaya at nakaramdam ako ng tuwa. Ar naisip ko bakit hindi ko gawin din sa iba,” panimula ni Konsi Ervic.

At noong March 28, pumuwesto siya sa isang gasolinahan sa San Juan at nagtawag ng mga tricycle driver para punuan ang kanilang tangke ng gas.

Nag-ikot ako sa ilang gasolinahan at on the spot. May ibang toda na katabi ng gasoline station. Tinawag ko iyong mga nakapila para palagyan ko ng krudo. Natuwa talaga sila

Wala akong numbers kung ilan. Bale nagtawag lang kami at sobra ang saya nila na sa maliit na halaga, napakalaking bagay na sa kanila.

Tricycle driver ang binigyan namin dahil isa iyon sa pangunahing means of transportation dito sa San Juan,” pagbabahagi pa ni konsi Ervic.

Ang ginawa nga ng konsehal ay nagpalipat-lipat siya sa ibang gasolinahan ng San Juan at namamara lang siya at ipinakikita ang plakard na may nakalagay ng ‘libreng gasolina on the spot.’

At dahil sa ginawang iyon ni Konsi Ervic, marami ang nag-message sa kanya kung paano niya ginawa (pamimigay ng gasolina) dahil gusto nilang mag-qmbag. 

May susunod akong pamimigay ng libreng gasolina, sila iyong Mason (brotherhood, San Juan chapter) na gusto nilang magbigay-tulong bilang community service rin nila.

Ito bale ang part 2 ng pa-libreng gasolina inaayos pa lang namin ang date kung kailan gagawin uli, pero this month din gagawin,” pagbabahahi pa ni Ervic.

Natuwa lang ako kasi nakaka-encourage ako even ‘yung iba na public servant na nakita ko sa feed ko na ginawa na rin nila. Marami rin ang namimigay,” sambit pa ni Konsi Ervic na nakakuha ng inspirasyon sa gawaing ito mula sa kaibigang si Vice Governor ng Bulacan na si Alex Castro

Nag-concentrate si Konsi Ervic sa mga tricycle driver dahil iyon ang main transportation sa San Juan. 

Natakot ako na kapag naapektuhan sila, hindi sila makakabyahe. So lahat ng pupunta ng trabaho maaapektuhan din, even iyong mga estudyante, even iyong mga mamamalengke. Nakakatakot.

“Pero siyempre sa lahat-lahat iyong kapakanan ng mga driver na hanapbuhay nila iyan eh. Mababawasan ang ikot nila.

“Hindi ko naman sinasabi na umayos ang byahe nila dahil sa akin. Kaunting part lang ng laban sa araw-araw makapag-ambag ako,” sabi pa.

Basta ang main concern namin ay maisagawa agad namin ito para mas marami pa kaming matulungan,” dagdag pa ng konsehal ukol sa part 2 ng pamamahagi nila ng libreng gasolina.

Sinabi pa ni Konsi Ervic na bayanihan o kampi-kampihan para ma-survive ang nangyayaring pagtaas ng presyo ng krudo na talaga namang nakaapekto sa lahat.

Bukod sa libreng krudo, may iba pang naisip na proyekto si Konsi Ervic tulad ng pamamahagi ng bigas na maisasakatuparan niya kapag natuloy ang pagbabalik-artista o muling pag-arte sa harap ng kamera. Kaya naman pinaghahandaan na rin niya ang pagbabalik-artista o pag-arte.

Naisip ko kasi na kailangan ko ng additional pondo para mas makatulong pa ako sa mga nangangailangan. At magagawa ko lang iyon kapag bumalik ako sa pag-arte. ‘Yung kikitain ko run ilalaan ko agad sa kawanggawa.

“May kinontrata na nga ako sa palengke na nagtitinda ng bigas sabi ko sa bawat suweldo ko sa pag-aartista sa kanya ang diretso para sa mga bigas. Ibibili ko agad ng bigas,” nangingiting pagbabahagi pa ni Ervic.

Mayroon naman akong nase-save for myself, may ibang pinagkakakitaan from my other business. Pero andito na ako sa mundong naririnig ang hinaing ng iba na kung alam ko naman kung paano ako makatutulong, bakit hindi?!,” anang konsehal.

At dahil nagtapos ng Bachelor of Arts major in Filipino Mass Media sa De La Salle University nakapagsulat siya ng script na gustong isali sa darating na Metro Manila Film Festival.

Gusto kong isali itong isinulat ko na isang family drama. Wala pa naman akong naiisip kung sino ang magbibida pero may mga kausap na ako para maituloy ang paggawa nito,” excited na pagbabalita pa ni Konsi Ervic.

Sana maging positive itong usapan namin kaya sa susunod nating pagkikita itong  dream movie na gusto kong gawin ang pag-uusapan natin,” sabi pa ni Ervic.

Nang kumustahin naman namin ang kanyang puso, sinabi nitong single pa rin. At kung sakaling may magpatibok muli ng kanyang puso gusto niyang iyon na ang ihaharap niya sa dambana.

Handa na akong bumuo ng pamilya. Kailangan ko na mag-asawa at asikasuhin ang personal na buhay,” sambit pa ni Konsi Ervic.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …