MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nakalimutang pasalamatan ng Best Supporting Actor sa Sinag Maynila 2026 na si Yasser Martaang yumaong Mastershowman German Moreno.
Nagsimula sa show ni Kuya Germs si Yasser, ang defunct show na Walang Tulugan with the Mastershowman kasama sina Buboy Villar, Kokoy De Santos, Rhen Escan̈o, Teejay Marquez, Hiro Magalona, Ken Chan, Jake Vargas, Jak Roberto, Sanya Lopez atbp..
Post ni Yasser sa kanyang Facebook account, “Team Desperada sa Sinag Maynila. Salamat po sa parangal bilang Best Supporting Actor. Hindi ko po ito magagawa kung wala ang mga magagaling na taong nakapaligid sa akin.
“Maraming salamat Direk @direklouieignacio , Sir @ldgprod , Kuya @dennisevangelista888. Sa girlfriend ko na laging sumusuporta @rblyngnt salamat sa lahat. Sa management at network ko @sparklegmaartistcenter @gmanetwork @anakngfighting07 #DarylZamora , maraming salamat po sa tiwala.
“Sa Sinag Maynila, Direk @brillante_mendoza at Sir @wilsontieng salamat po sa pagkakataon.
“Kuya Germs Tay, salamat sa pagdiskubre sa akin. Para sa inyo ang parangal na ‘to, at para sa lahat ng aktor na nangangarap. #DESPERADA #SinagMaynila #Film #PelikulangPilipino.”
Nagwaging best supporting actor si Yasser sa mahusay nitong pagganap sa pelikulang Desperada. Kasama niya rito ang kanyang real life girlfriend na si Robb Guinto gayundin si Mhack Morales.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com