MATABIL
ni John Fontanilla
PURING-PURI ng mga kababayan natin na nasa Paris, France si Nadine Lustre.
Paano naman napakabait at very accomodating ang aktres. Hindi suplada katulad ng ibang Pinoy na artistang nakikita nilang nagtutungo ng Paris, France.
Sa shooting nga ng proyektong pinagsasamahan nina Paolo Avelino at Nadine ay naglalaan ng oras ang aktres na makipag-usap at makipag-selfie na mga kababayan natin doon kapag may libre itong oras.
Kaya naman bini-bless ito nang sobra-sobra dahil tunay nga namang mabait si Nadine.
Anyway, sunod-sunod na nga ang proyektong ginagawa ni Nadine mula sa proyekto nila ni Paolo nariyan din ang project kasama si Alden Richards. Kailan naman kaya nito makakatrabaho si Daniel Padilla? ‘Yan ang ating aabangan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com