I-FLEX
ni Jun Nardo
PATALBUGAN ang alumni ng Pinoy Big Brother sa pagpe-flex ng byahe nila sa ibang bansa na pinagpistahan sa social media.
Isa rito ang partnership nina Ashley Sarmiento at Rave Victoria na sa South Korea nagpalipas init sa ‘Pinas. Feeling estudyante sa school sa SK ang dalawa.
Hard launch na ba ito ng pagkakaroon ng relasyon nina Ashley at Rave?
Isa pa itong Dus-Bia o Dustin Yu at Bianca de Vera na sa Hong Kong naman nagpalipas ng summer heat, huh!
Habang sina Will Ashley at Mika Salamanca eh sa mainit ding Thailand nagliwaliw.
‘Yun nga lang, tinalbugan sila nina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala na finally eh, may picture na magkasama pero walang picture na holding hands, huh.
Pero ‘pag nakorner ng tanong, ang copy paste na sagot, “We’re friends. Nasa getting to know each other stage kami!”
Bwisit! Ilang dekada na namin naririnig ang ganyang sagot!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com