MA at PA
ni Rommel Placente
TRENDING ang dating aktor na si Alvin Aragon nang mag-guest kamakailan sa show ni Jigo Postulero na Jigo Live sa DWAR 1494 Abante Radyo.
Paano kasi ay nagsalita siya ng laban sa Sexbomb, na dating member ang misis niya na si Izy Trazona. Pati sa mga asawa ng mga member ng all-girl group, ay hindi pinaligtas ni Alvin, lalo na ang mister ni Sunshine Garcia na si Vice Governor Alex Castro.
At ang mas ikinaloka ng nakapanood kay Alvin, ay nang sabihin niya na ang Diyos daw ang nagpa-resign kay Izzy sa Sexbomb.
Nakarating kay Vice Ganda ang sinabing ito ni Alvin. Kaya naman sa pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime noong Martes, sa segment na Laro, Laro Pick, ay nagbiro siya at nagpasaring sa mister ni Izzy, na kinaaliwan ng madlang people.
Tinanong kasi ni Vice ang isang contestant kung alam ba nito kung ilan talaga ang utos ng Diyos?
Sampu ang sagot ng contestant, na agad na kinontra ni Meme Vice, “Dati sampu, ngayon 11 na!”
Nagulat ang contestant sa tugon ng Unkabogable Star, kaya inabangan nito kung ano ang pang-11 utos ng Diyos na sinasabi ni Vice.
Biro ng comedian-TV host, nadagdagan na nga raw ito. At ang ika-11 utos ay ang ‘Mag-resign sa Sexbomb.’
Ito nga kasi ang sabi ni Alvin na utos daw ng Diyos kay Izy.
Dalawang beses pa itong inulit ni Vice na nagpahagalpak sa mga tao sa studio.
Agad ding nag-trending ang splice video ng nasabing segment.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com