Thursday , June 4 2026
Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the Ombudsman laban sa ilang barangay officials sa Iloilo City na sinabing sangkot sa anomalya ng ‘pagkakaltas’ ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.

Nagtungo si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Ombudsman para magsampa ng administrative complaints, kabilang ang grave misconduct, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at sa Ethical Standards for Public Officials and Employees laban sa 14 barangay officials mula sa Jaro at Arevalo, Iloilo City.

Ayon kay Gatchalian, 14 benepisaryo ang nagreklamong nabawasan ang kanilang ayuda sa mga payout na isinagawa ng DSWD-AICS noong 7, 11, at 12 Nobyembre.

Batay sa kuwento ng mga nagreklamo, matapos matanggap ang P10,000 AICS cash aid ay pinilit silang ibigay ang P8,000 sa ilang opisyal kaya P2,000 na lamang ang natira sa kanila.

Hiniling ng DSWD ang preventive suspension ng mga sangkot na opisyal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Tiniyak ni Sec. Gatchalian na titindigan ng ahensiya ang mga kasong isinampa, habang inihahanda ang kaukulang criminal charges laban sa lahat ng responsable. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …