Wednesday , June 10 2026
Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO na si Lala Sotto ay nakipagpulong kamakailan sa mga kinatawan ng The Walt Disney Company (Southeast Asia) Pte. Limited (Disney+), Warner Bros. at HBO.

Ito’y bahagi ng partisipasyon ni Sotto sa AVIA conference sa Singapore. Ipinahayag ng mga Subscription Video On Demand (SVOD) services ang kanilang interes na makipagtulungan sa MTRCB upang higit pang mapalakas ang mga inisyatiba para sa responsableng panonood sa Filipinas.

“Isang produktibo at makabuluhang pagpupulong ang nangyari kasama ang Disney+, Warner Bros. at HBO. Nakatutuwa dahil lahat sila ay nagpahayag ng interes na makipagtulungan sa MTRCB sa pagsusulong ng responsableng panonood at paggamit ng media,” sabi ni Sotto.

Ibinahagi rin ni Sotto na nag-alok ang mga kompanya na ipagamit sa MTRCB ang mga iconic na karakter at tema mula sa mga tanyag na palabas tulad ng Harry Potter, DC, at Looney Tunes para sa kampanya ng responsableng panonood at sa pagpapalakas ng media literacy sa buong Filipinas sa gitna ng mabilis na pagbabago ng media.

Ibinahagi ng Warner Bros. at HBO na mayroon na silang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Tourism at SK Tourism Board, bilang patunay ng kanilang matibay na suporta sa mga inisyatiba ng gobyerno.

Sa pakikipag-usap sa Disney+, hinikayat nitong bumuo ng working group kasama ang MTRCB upang matiyak na ang lahat ng Disney+ content na ilalabas sa Filipinas ay sumusunod sa wastong ratings, advisories at consumer guidance na naaayon sa pamantayan ng MTRCB.

Ipinakita rin ng Disney+ ang kahandaang makipagtulungan sa isang posibleng public service infomercial na gagamitan ng mga karakter mula sa Disney tulad ng Marvel, Pixar at iba pa.

Layunin ng kampanyang ito na isulong ang digital media literacy, itampok ang kahalagahan ng parental controls, at palakasin ang kaalaman sa angkop na klasipikasyon upang maprotektahan ang mga batang manonood.

“Malaki ang maiaambag ng posibleng pakikipagtulungang ito sa pagpapalawak ng aming kampanya para sa responsableng panonood sa buong bansa,” wika pa ni Sotto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Cassy Legaspi

Cassy iginiit single at walang karelasyon

MATABILni John Fontanilla KUMALAT kamakailan sa social media ang mga larawan ni Cassy Legaspi habang nagbabakasyon sa …

Alden Richards World Bicycle Day

Alden pinangunahan World Bicycle Day

RATED Rni Rommel Gonzales SOLID na fitness enthusiast talaga si Alden Richards! Kamakailan ay isa siya …

Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan

Sigaw ng mga kabataan: ‘nasaan ang Hydra’ 

MATINDI ang ingay ngayon sa socmed tungkol sa opisyal na mainstream screening ng  Habang Nilalamon Ng …

Gary V BILIB

Gary V. dream makasama ng BILIB sa concert 

MATABILni John Fontanilla PANGARAP makasama ng PPop Boygroup na Bilib kapag nagkaroon sila ng concert ay si Gary …

Kim Rodriguez

Sexy photo ni Kim sa Instagram patok 

MATABILni John Fontanilla PUMUKAW sa atensiyon ng mga kalalakihan ang Instagram post ni Kim Rodriguez na naka-checkered two peice. …