PlayTime Entertainment binigyang parangal pinakamaningning sa ika-42 PMPC Star Award for Movies

PlayTime PMPC Star Award for Movies

NAGPUPUGAY ang Playtime Entertainment sa pinakamahuhusay na Pelikulang Pilipino–mula sa mga bituing nasa entablado hanggang sa mga tagahangang bumoto bilang opisyal na entertainment partner ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa ikatlong sunod na taon.

May mga partnership na pormal na pinagtitibay sa pamamagitan ng lagda, habang ang iba naman ay nararamdaman mismo sa paligid. Sa ika-42 na PMPC Star Awards for Movies na ginanap noong Oktubre 25 sa Winford Manila, muling dumalo ang PlayTime Entertainment—sa ikatlong sunod na taon—upang ipagdiwang ang mga pinakamagagaling na personalidad sa industriya.

Pormal na lumagda sa isang partnership sina Crisanto Roy Alcid, pangulo ng PlayTime Entertainment at Fernan De Guzman, pangulo ng PMPC noong Oktubre 1. Bilang opisyal na entertainment partner, naging katuwang ang PlayTime Entertainment ng Philippine Movie Press Club sa pagbibigay parangal sa larangan ng pelikula, telebisyon, at musika sa tatlong magkakasunod na taon.

Kinatawan ng PlayTime sa isang maningning na gabi sina Spokesperson Adela Mae Marshall at ang Mr. PlayTime at 3rd runner-up ng Mr. Global na si MJ Ordillano.

“Para sa amin, ang partnership na ito ay palaging nakatuon sa mga taong nagpapatuloy na maging makinang ang Philippine Entertainment,” wika ni Marshall. “Bilang katuwang ng PMPC sa ikatlong sunod na taon, ang pagbibigay parangal sa mga bituin, mga gumagawa ng pelikula at mga tagahangang pinananatiling buhay ang Pelikulang Pilipino, sila ang dahilan kung bakit kami naririto. Ang papremyong salapi ay nagsisilbing isang karagdagang biyaya.”

Inilarawan ni Ordillano, bilang sariwa pa lamang sa sarili niya ang atensyon sa pandaigdigang entablado, ang gabing iyon bilang isang pribilehiyo. “Isang karangalang makatabi ang pinakamahuhusay sa industriya bilang Mr. PlayTime. Naniniwala ang PlayTime at ang PMPC na ang natatanging talento ay nararapat na makita at ipagdiwang,” anito.

May dalang munting sorpresa noong gabing iyon. Iginawad ng PlayTime ang “Fan Favorite Award” — na siyang pinili ng publiko sa pamamagitan ng online voting — sa pelikulang Call Me Mother, kasabay ng gantimpalang salapi para sa ilang piling nagwagi sa larangan ng pag-arte, isang karagdagang kasiyahan sa gabing nakatuon sa pagdiriwang ng pelikulang Pilipino.

Para sa PMPC, ang partnership na ito ay angkop. 

“Kami ay lubos na nasisiyahan sa muli naming pagsasama ng PlayTime Entertainment. Ang kanilang dedikasyon sa entertainment at direktang ugnayan sa mga tagahanga ay naaayon sa aming layunin na gawing mas madaling maabot at kawili-wili ang mga parangal para sa modernong tagapanood,” pahayag ni De Guzman sa naganap paglagda noong Oktubre.