Thursday , June 4 2026
Vice Ganda Nadine Lustre Call Me Mother

Nadine ayaw na sana munang gumawa ng MMFF movie

MATABIL
ni John Fontanilla

TINANGGAP ni Nadine Lustre ang Call Me Mother dahil kay Vice Ganda. Ito ang nalaman namin mula kay Nadine at sinabing wala siyang balak gumawa sana ng filmfest ngayong taon.

Ani Nadine, dahilsa sunod-sunod na taong pagkakaroon ng filmfest entry, naisip niyang ‘wag na munang gumawa. Subalit dahil nga kay Vice Ganda, naengganyo muli siya.

Nabago ang desisyon (gumawa) ni Nadine nang i-pitch sa kanya na muling makakatrabaho niya si Vice Ganda na nakatrabaho na niya noong 2015 sa pelikulang  Beauty and the Bestie with Coco Martin.

Kaya umoo na ito kahit di pa ipini-pitch sa kanya kung anong movie ang pagsasamahan nila ni Vice Ganda.

Tsika ni Nadine, “Sobrang excited ako for MMFF. Well, parang every year naman nag-MMFF na ako. Initially, ayoko sanang mag-MMFF this year.

“Pero, nang mag-pitch kasi sila sa akin, sabi nila, kasama si Ate Vice.

“Roon pa lang, hindi pa nga sila nagpi-pitch, sila Direk Jun (Lana), hindi pa sila nagpi-pitch, sinabi lang nila na si Ate Vice ang kasama ko, hindi na ako nag-isip. Sabi ko na lang, ‘Sige, push natin ‘yan!’

“Kasi, gusto ko talagang maka-work si Ate Vice.”

So dahil nga kay Meme Vice, work, work, work muna si Nadine ngayong Pasko.

Magkakasama ang dalawa sa heartwarming movie na Call Me Mother na Pamaskong handog nila sa kanilang mga tagahanga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …