MATABIL
ni John Fontanilla
WINNER na winner ang katatapos na first fan meet nina Will Ashley at Bianca De Vera o tambalang WillCa na may titulong That Fair Called Tadhana na ginanap last Wednesday (November 5) sa MetroTent Convention Center, Pasig.
Grabeng kilig overload ang hatid ng tambalang WilLCa lalo na nang isinayaw ni Will si Bianca sa awiting Lifetime.
Espesyal na panauhin at nabigay saya rin sina Matt Lozano at ang bandang Ben & Ben.
Bibida ang WillCa sa Metro Manila Film Festival movie na Love You So Bad under Star Cinema, GMA Pictures, gayundin sa SRR: Evil Origins ng Regal Entertainment.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com