RATED R
ni Rommel Gonzales
MARAMING celebrities ngayon, showbiz personalities, na gusto ring maging influencer, pero si Jess Martinez, baligtad.
Mula sa pagiging isang social media influencer, pinasok niya ang showbiz.
Aniya, “Kasi po, I’m not for fame. ‘Yung gusto ko sa showbiz, I get to express my emotions.
“‘Yung acting po ‘yung gusto ko roon, about ‘yung naipakikita ko ‘yung iba’t ibang personality ko and at the same time, mas napu-push ako.
“Kasi when it comes to being an influencer, it’s routine-based po eh, parang ito ng ito ‘yung ginagawa ko and what I love about being in showbiz is, iba’t ibang characters siya. So, mas nahahasa ako as a person.”
Tatlong major roles na ang nagampanan ni Jess bilang aktres. Sa Pepito Manaloto, Regal Studios at Abot Kamay Na Pangarap, lahat ay sa GMA.
Talent si Jess ni Rams David ng Artist Circle Management na nasa bakuran ding ito sina Sheryl Cruz, Celia Rodriguez, Mosang, Dang Cruz, at Shyr Valdez na discoverer ni Jess.
Ipinanganak si Jess sa Cotabato City at lumaki sa Davao City.
“Then we moved here [Manila]… well, nabili ‘yung house around 2017 or 2018, but I moved here around 2020, like ‘yung hindi na ako umuwi talaga.”
Mula sa nakaririwasang pamilya, bilang isang rich girl ay hindi na kailangang magtrabaho ni Jess, pero bakit talagang gusto niyang mag-showbiz?
“Gusto ko talaga ‘yung… kasi when I did workshops po, out of curiosity lang talaga iyon noong una.
“Sabi ko, I wanna do something else, kasi parang paulit-ulit na rin ‘yung ginagawa ko in my daily life, nagde-dress-up, wake up, parang princess, sabi ko I wanna do something else.
“So I tried doing acting workshops and doon ko na-feel na parang, ‘Oh this is what I’ve been looking for in my life!’ “Something new, something na I could express myself.”
Pero bago mag-artista, mahiyain talaga si Jess to the point na kahit sa eskuwelahan ay hindi siya sumubok sa acting.
“No, actually, mahiyain po talaga ako. Like, aral-bahay, ganoon lang po ‘yung ginagawa ko.”
So mala-Disney princess lang siya dati?
“As a Disney… Ha! Ha! Ha! Kasi rin po, hatid-sundo ako and then, may bodyguard po nakaantay sa akin, so hindi ako makagala masyado.”
Soon ay mapapanood si Jess sa Sanggang-Dikit FR nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa GMA.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com