Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cloud 7 Marianne Bermundo Nasa Cloud 7 Ako

Beauty Queen Marianne Bermundo pinalakpakan sa Cloud 7 concert 

MATABIL
ni John Fontanilla

KINAGILIWAN ang production number ng 2023 Miss Teen Culture World International  Marianne Bermundo sa katatapos na concert ng Kapuso P-pop boy group na Cloud 7 na ginanap sa Music Museum noong February 28.

Pinatunayan ni Marianne na hindi lang siya mahusay sa rampahan bilang modelo at beauty queen, mahusay din siyang kumanta at sumayaw.

Sa kanyang song and dance number ay bigay todo si Marianne na halatang pinaghandaan. Kaya naman napahanga nito ang mga nanood ng concert at umani ng hiyawan at palakpakan.

At ngayon, pag-arte ang susubukan ni Marianne dahil isa ito sa bibida sa advocacy film na Ako si Kindness na idinirehe ng award-winning filmmaker na si Crisaldo V. Pablo.

Thankful si Marianne sa 100% support ng kanyang mga magulang, media, at ni Richard Hin̈ola ng Best Magazine at prodyuser ng concert.

Bukod kay Marianne at Cloud 7, humataw din sa dance floor si Yancy De Vega sa kanyang song and dance number.

Nagpapasalamat ang grupong Cloud 7 kina Lukas Garcia, Johann Nepomuceno, Egypt See, kairo Lazarte, Migz Diokno PJ Yago, at Fian Guevarra gayundin sa lahat ng pumunta sa kanilang concert, sa kanilang solid fans, ang  Rainbow sa kanilang producer, manager—Jay Layson, sa press at sa kanilang mga magulang.

Kasabay din ng concert ang 2nd Philippine Young Achievers Award 2025 at ginawaran ng parangal sina  Ima CastroKaren Carpenter ng Pilipinas na si Cye Soriano, Jeri Violago, P-pop Group na One Verse, Stefani Santos, Yunah S. Pelino, Gil Froyalde, Aleck Calata with rapper Biancka.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …