Thursday , June 25 2026
Priscilla Meirelles Fast Talk With Boy Abunda

Priscilla sumailalim sa operasyon, cyst sa abdominal area tinanggal

MA at PA
ni Rommel Placente

INI-REVEAL ni Priscilla Meirelles sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda ang pinagdaanang health issue kamakailan. Na-diagnose siya ng endometriosis.

Base sa isang health website, nangyayari ang endometriosis kapag ang tissue “similar to the inner lining of the uterus grows outside the uterus.”

Sa kondisyong ito, kumakapal ang tissue at dumudugo na nagdudulot ng sakit tuwing may buwanang dalaw. Dito na mabubuo ang mga cyst na tinatawag na endometriomas kapag naapektuhan na ang obaryo.

Ilan sa mga sintomas ng karamdamang ito ay ang nararamdamang sakit tuwing nireregla, habang o pagkatapos ng pakikipagtalik, sakit sa pagdumi o pag-ihi, labis na pagdurugo.

Pagbabahagi ni Priscilla, “One of the realizations that came to me was that kailangan ko talaga na bumalik sa dating akoang Priscilla.

“Kasi through the process ang daming nangyari including a health condition that I had that was endometriosis.” 

Dahil dito, sumailalim sa operasyon si Priscilla para tanggalin ang cyst sa kanyang abdominal area.

Kinarir na rin ni Priscilla ang pagbabantay at pagkontrol sa kanyang mga kinakain tulad ng mga pagkaing nagdudulot ng inflammation at mga nagpapagulo sa kanyang hormones.

“I decided that (tatanggalin) ko lahat ng mga pagkain na hindi maganda sa katawan ko.”

Super iwas na rin siya sa mga pagkain na may dairy.

When I had my problem, the cyst, dairy and sugar they trigger the issue so I’ve decided to take out also lahat ng mga dairy because it causes inflammation sa katawan ng isang babae.

“I’m investing time on myself health-wise, you know, physical health, mental health.

“I have a wonderful relationship with my daughter, and whatever happens in terms of what is my status right now, all I can say is that technically, I’m still married,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …