I-FLEX
ni Jun Nardo
KOMPORTABLE si Senator Bong Revilla, Jr. sa entertainment media kaya naman bago ang sagarang kampanya bilang senador, eh nakipag-chikahan muna siya sa mga ito.
Eh dahil ilang dekada na sa showbiz, inulan si Sen. Bong ng tanong na may kauganayan sa showbiz gaya ng pagpapalawak ng authority ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) hanggang sa streaming app.
Rason ng senador na maraming natulungan sa mga batas na ginawa niya. “Hindi kasi tama na ‘yung online at streaming ay kung ano-ano na lang ang puwedeng ipalabas kahit hindi ito tumatalima sa kagandahang asal, values, at kultura ng bansa.
“Dapat patas ang batas!”
Pagdating sa Eddie Garcia Bill, dapat muli itong bisitahin muli dahil umano’y nasasakal na at paano tutulungan ang industry na hindi lahat ng pelikulang lokal na ipinalalabas eh malakas sa takilya.
Pagdating naman sa career, matapos ang kampanya at eleksiyon, gagawa si Senator Bong ng movie and hopefully eh magawa ang Season 4 ng hit comedy program niyang Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com