Thursday , June 25 2026
Bong Revilla Eddie Garcia

Sen. Bong sumasang-ayon sa pagrebisa ng Eddie Garcia Bill   

I-FLEX
ni Jun Nardo

KOMPORTABLE si Senator Bong Revilla, Jr. sa entertainment media kaya naman bago ang sagarang kampanya bilang senador, eh nakipag-chikahan muna siya sa mga ito.

Eh dahil ilang dekada na sa showbiz, inulan si Sen. Bong ng tanong na may kauganayan sa showbiz gaya ng pagpapalawak ng authority ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) hanggang sa streaming app.

Rason ng senador na maraming natulungan sa mga batas na ginawa niya. “Hindi kasi tama na ‘yung online at streaming ay kung ano-ano na lang ang puwedeng ipalabas kahit hindi ito tumatalima sa kagandahang asal, values, at kultura ng bansa.

“Dapat patas ang batas!”

Pagdating sa Eddie Garcia Bill, dapat muli itong bisitahin muli dahil umano’y nasasakal na at paano tutulungan ang industry na hindi lahat ng pelikulang lokal na ipinalalabas eh malakas sa takilya.

Pagdating naman sa career, matapos ang kampanya at eleksiyon, gagawa si Senator Bong ng movie and hopefully eh magawa ang Season 4 ng hit comedy program niyang Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …