Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

LT pinuri ni Atty Joji, namangha rin kay direk Chito

MA at PA
ni Rommel Placente

ANG Quantum FIlms ni Atty. Joji Alonzo ang producer ng Espantaho, na bida sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino, na gumaganap bilang mag-ina. Isa ang nasabing pelikula sa entry sa Metro Manila Film Festival 2024.

Nang kinumusta kay Atty. Joji si LT bilang kanyang artista sa Espantaho, ang sabi niya,

“Wala akong masabi, in character mula pagdating (sa set) hanggang sa pag-uwi. She really prepared for the role. 

“Siguro mas challenging sa kanya kasi she was the second choice, so, kailangan niyang ipakita na she can do good at binigay naman niya nang husto. Wala naman akong naging problema. Wala akong naging problema in any artist dahil takot silang lahat kay Direk Chito (Rono-direktor ng pelikul) at mas maaga pa silang (artists) dumating,” kwento pa niya.

Masaya si Atty. Joji dahil maganda ang kinalabasan ng Espantaho at PG 13 pa ang ibinigay dito na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). 

Para akong bagong producer na napapa-mangha talaga (kay direk Chito), ‘yung shots niya, ‘yung naiisip niyang treatment na hindi ko naisip (director din si Atty. Joji) ‘yun ah,” papuri pa niya kay Direk Chito.

Showing na sa December 25 ang Espantaho. Bukod kina Juday at LT, kasama rin sa cast sina Chanda Romero, JC Santos, Mon Confiado, Nico Antonio, Donna Cariaga, Kian Co, Archi Adamos, Janice De Belen, Eugene Domingo, at Tommy Abuel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Angelika Santiago

Paggawa ng teleserye na-miss ni Angelika Santiago, mapapanood muli sa “Born to Shine”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NALAMAN namin ang ilan sa mga pinagkakaabalahan lately ng Kapuso …

Tony Labrusca Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Tony Labrusca, happy na makatrabaho sina Yuki Sonoda at Kelley Day sa “All About Her”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Tony Labrusca na masaya siya sa bago niyang …

Maya Maris Racal Julia Barretto

Julia at Maris ipinakita kung gaano kabilis mag-Loan sa Maya

KUNG napanood mo sina Julia Barretto at Maris Racal sa kasalukuyang Maya video na nagsasampalan ng pera, alam mo na kaya …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …