Thursday , November 14 2024
QCinema Project Market Arjo Atayde Jericho Rosales

Jerico, Arjo sumuporta sa QCinema Project Market

The QCinema Project Market is committed in continuing to bridge collaborations with the Philippines and Southeast Asia, offering a space for co-productions that elevate our region’s stories to the world,” ito ang tinuran ni dating

Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño sa pagtataguyod ng nasimulan nilang QCinema Project Market (QPM) na isa sa mga ipinagmamalaking proyekto ng Quezon City Film Commission (QCFC) na si Liza ang executive director.

At ngayong taon mas pinabongga pa ang kalidad ng Philippines movie industry at mas maraming makikinabang na filmmakers at producers this year.

There’s a growing number of investors in the Philippines recognizing the potential of films for the international market, and QPM aims to capitalize on this exciting opportunity.

“By connec­ting filmmakers with these investors and partners from Southeast Asia, we are driving the region’s rise as a key player in global cinema and ensuring that our stories are given the platform they deserve,” sabi pa ni Liza.

At ngayong taon isa sa mga magpa-participate sa proyektong ito ay si Jericho Rosales. Siya ang bibida at producer ng pelikulang Lihim na Luha (Secret Cries) kasama ang co-producer na si Darlene Malimas ng DCM Autodidact Films na idinirehe ni Eileen Cabiling.

Ang Lihim na Luha ay kuwento ng isang amang adik na mapipilitang patayin ang asawang aswang para isalba ang buhay ng sanggol nilang anak.

Hindi lang si Echo, maging si Congressman Arjo Atayde at ang Nathan Studios na pag-aari ng kanilang pamilya ay kasali rin. Pagbibidahan  ni Arjo ang Moonglow. Joint production ng Pilipinas, Amerika, at Singapore, produced by Alemberg Ang, at idinirehe ng award-winning US-based Pinoy filmmaker na si Isabel Sandoval.

Kasama rin ang Nathan Studios sa mga QPM partners na magbibigay ng grants ngayong taon.

Tinawag na Nathan Studios Development Grant, isa sa mga papasang proyekto ang makatatanggap ng P250,000 grant mula sa nasabing production company.

Ang QPM awards ay may 10 kategorya na magbibigay ng financial support at essential post-production services sa mga mapipiling pelikula.

Tatlong Filipino projects ang tatanggap ng P2-M QPM-PH Co-Production Grant. Ang QPM-SEA Production Prize naman ay P1-M para sa outstanding Southeast Asian project at P750,000 each sa dalawa pang mapipili. Ang mga masusuwerteng pelikula ay ihahayag sa November 16.

Pitong Southeast Asian movies naman ang kasama sa QPM 2024: ang The Beer Girl in Yangon(Myanmar, Indonesia), Picturehouse (Vietnam), Future Laobans (Myanmar), To Leave, To Stay(Cambodia), Other People’s Dreams (Singapore), The Passport (Malaysia), at I’ll Smile in September (Singapore, India).

Labingtatlo naman ang mula sa Pinoy filmmakers: Anak Alon (Daughters of the Sea), Molder, My Neighbor the Gangster, Bato Bato Sa Langit Ang Tamaan Magagalit (Heaven Help Us), Baradero (A Ship of Fools) Golden, Lihim Na Luha (Secret Cries), Inahing Baka (Mother Maybe) Please Bear With Me Angel de Dios, Hum, Ewa (Eve), at The Returning.

Kasabay ng QPM 2 ang pagdaraos ng Asian Next Wave Film Forum at Creative Industries Day, na magbibigay namang oportunidad sa filmmakers, directors, producers, at industry leaders para sa kolaborasyon, learning, at networking.

Ang Creative Industries Day ay gaganapin sa November 15 habang ang Asian Next Wave Film Forum naman ay sa November 16.

QCinema Project Market has been met with warm welcome and overwhelming interest from the country and the region and we hope to be able to continue this as an annual integral program inside QCinema.

“This event holds so much potential and promise for our projects and decision makers alike and we are glad to bring everyone together this year,” sambit naman ni QCinema Artistic Director Ed Lejano. (Maricris Valdez)

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …