Thursday , August 14 2025
Chanty Videla

Chanty Videla tatargeting maging beauty queen

RATED R
ni Rommel Gonzales

IBA talaga ang training sa ilalim ng mga Koreano.

Si Chanty Videla kasi bilang miyembro ng Korean girl group na Lapillus, sumailalim sa pangangalaga ng kanilang Korean management.

Kaya naman marami siyang natutunan, hindi lamang ang pagkanta at pagsasayaw.

Lahad niya, “Siguro po ‘yung experience ko po na maging independent, kasi alagang-alaga po ako sa bahay namin, eh.

“So the moment na tumira po kami sa Korea, I had to go through everything. ‘Yung paglalaba, paglilinis ng dorm namin, ng banyo, ganyan, lahat po ‘yun. 

“Ako lang po ‘yung gumagawa, so siguro isa ‘yun po sa mga natutunan ko, independence.

“And ‘yung work ethics na rin po ng Korea, kasi kakaiba rin po ‘yung pagka-strict nila sa lahat ng bagay.”

At isa pang nadiskubre namin kay Chanty, nais niyang sundan ang mga yapak nina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Megan Young, Kylie Versoza  at iba pa. Oo, nais niyang maging beauty queen!

Isa po ‘yun sa mga dream ko rin in the future. 

“Hopefully yeah, matagal-tagal po siyang preparation, so yeah.”

Sa edad na 21, 5’7” heigh, magandang mukha at katawan, at talento sa pag-awit, pasadong-pasado si Chanty na maging beauty title-holder.

Sa ngayon pag-aartista muna ang hinaharap ni Chanty. Kasali siya sa main cast ng teen-oriented show ng GMA, ang MAKA.

Napapanood tuwing Sabado, 4:45 p.m. nasa MAKA rin sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa, at iba pang Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Sean Lucas, at May Ann Basa na kilala rin bilang si Bangus Girl.

Bida rin sa serye si Romnick Sarmenta na kasama rin ang mga kapwa niya That’s Entertainment alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, at ang beteranang aktres na si Carmen Soriano, sa direksiyon ng best-selling author na si Rod Marmol.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Cecille Bravo Aking Mga Anak

Philanthropist-Businesswoman Cecille Bravo mahusay sa Aking Mga Anak 

MATABILni John Fontanilla MARAMING nagulat sa ipinakitang husay sa pag-arte ng Philanthropist at Celebrity Businesswoman …

Elias J TV Beverly Labadlabad

Selos dahilan ng away nina Beverly at Elias 

MATABILni John Fontanilla MARIING pinabulaanan ng businesswoman-talent manager na si Ms. Beverly Labadlabad ang bali-balita na may …

Gary V Angeli Pangilinan

Gary V nakaranas ng tunay na himala

MA at PAni Rommel Placente NOONG August 6 ipinagdiwang ni Gary Valenciano ang kanyang 61st birthday kasabay …

Toni Gonzaga Bayani Agbayani Alex Gonzaga Isko Salvador Brod Pete Eric Nicolas

Bayani inilaglag si Alex, pinuri si Toni

MA at PAni Rommel Placente SA bagong game show ni Toni Gonzaga na Ang Tanong, ay naging players …

Vanderlei Zamora

Vanderlei Zamora bagong aabangan sa mundo ng pageantry 

MALAKI ang tsansang makuha ni Vanderlei Zamora ang titulo bilang Mister Teenager Universe 2026 na gaganapin sa Surabaya, Indonesia …