Friday , August 8 2025
Barbie Margot Robbie Ryan Gosling

Barbie’ movie naka-$1-B na sa takilya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TILA nakatulong ang pagiging kontrobersiyal ng pelikulang Barbie dahil nalagpasan na nito ang billion dollar mark sa box office.

Sinasabi ngang gumawa ng kasaysayan ang live-action film na Barbie na tatlong linggo nang ipinalalabas sa mga sinehan worldwide at patuloy na tinatangkilik.

Sa ngayon kumita na ang pelikula ng $1.0315 billion o mahigit sa P55.9-B.

Kaya naman nagtala ng record ang direktor ng pelikula na si Greta Gerwig bilang kauna-unahang solo female director na kumita ng billion-dollar film.

A massive achievement like this is possible when you have an incredible filmmaking team, with cast and crew coming together to create a truly special moviegoing experience,” anang Co-Chairs at CEOs ng Warner Bros. Motion Picture Group na sina Michael De Luca at Pam Abdy.

Along with our partners at Mattel, and with the support of the entire Warner Bros. Discovery family, we are thrilled that audiences the world over are embracing the ‘Barbie’ movie in such a profound way,” dagdag pa ng dalawa.

At dahil ikinokonsidera nang biggest film sa summer box office ang pelikulang Barbie, ka-join na ngayon si Greta sa elite group of writer/directors na ang singular vision ay mayroong $1 billion sa global box office, isang milestone na testament sa kanyang brilliance at sa commitment na makapag-deliver ng pelikulang tulad ng Barbiena anumang edad ay gusto itong mapanood.

Umiikot ang kuwento ng live-action film sa “women empowerment,” gayundin sa mga pagsubok na pinagdaanan ni Barbie para harapin ang bagong mundo na kanyang napuntahan, ang “Real World.” 

Pinagbidahan ni Margot Robbie (Barbie) ang pelikula habang ang katambal niya bilang “Ken” ay si Ryan Gosling.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelika Santiago

Angelika Santiago, super-happy na finally ay Sparkle artist na!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYANG-MASAYA si Angelika Santiago dahil ngayon ay isa na siyang …

Hiro Magalona

Hiro Magalona inismiran, nasabihan pang salbahe 

MATABILni John Fontanilla SUPER effective ang portrayal ni Hiro Magalona dahil maraming nainis sa kanyang role bilang …

Mga Munting Tala Sinagtala Errol Ropero

Mga Munting Tala sa Sinagtala isinusulong kahalagahan ng edukasyon

MATABILni John Fontanilla MUST watch ang pelikulang Mga Munting Tala sa Sinagtala ni Direk Errol Ropero dahil bukod sa mahusay ang …

Cecille Bravo Ang Aking Mga Anak

Philantropist/businesswoman Cecille Bravo naiyak, kinabahan sa unang pag-arte 

ISA ang philantrophist at celebrity businesswoman na si Cecille Bravo sa cast ng advocacy film na Ang Aking  …

Andres Muhlach Ashtine Olviga

Andres kayang i give up ang lahat para sa love

MA at PAni Rommel Placente DAHIL ang launching movie ng magka-loveteam na sina Andres Muhlach at Ashtine Olviga ay …