Friday , May 17 2024
BJ Tolits Forbes

Anak ni BJ Tolits 3 taong nagpabalik-balik sa ospital

RATED R
ni Rommel Gonzales

TATLON taon nang may karamdaman ang anak ni BJ “Tolits” Forbes na si Janella.

“Bale po noong one year old siya bigla na lang nagkaroon ng seizures, tapos dahil sa prolonged seizures niya kahit noong dinala namin kasi siya sa ospital sinaksakan na siya ng anti-seizure, nagtuloy-tuloy pa rin.

“So nawalan ng oxygen ‘yung utak niya kaya since noon nagkaroon siya ng stroke.

“Bale masyadong mahaba ‘yung kuwento, nagpalipat-lipat kami ng ospital, hanggang sa napunta kami sa PCMC (Philippine Children’s Medical Center).”

Apat na taon na ngayon ang anak ni BJ.

“But right now she’s okay, may maintenance na medicines, mayroon therapies and may maliliit na improvements, but it’s still an improvement na ipinagpapasalamat namin sa Diyos,” pahayag ni BJ na noong bata ay sumikat sa That’s My Boy ng Eat Bulaga!

Nasa showbiz pa rin si BJ at cast member ng upcoming family drama film na The Special Gift na mula sa RC Gomez Entertainment Productions na bida ang Kapuso child actor na si Franchesco Maafi kasama ang mga character actors na sina Soliman Cruz, Migui Moreno, at Mike Lloren, ang mga theater-film actresses na sina Malou Canzana, Romina Cauilan, at Ella Sheen, at ang newbie actor Angelo Gomez.

Ang pelikulaay mula sa panulat ni Erick R. Castro, with Mr Roy Gomez as executive producer at sa direksiyon ni Lawrence Roxas na directorial debut for a full length movie.

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

Medwin Marfil ng True Faith ikinasal sa BF na si Mark Angeles

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang taon na rin ang nakararaan, may isang abogado na …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira, inaming may naramdaman sa isa’t isa sa shooting ng Chances Are You and I

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INAMIN ni Kelvin Miranda na na-confuse siya sa naramdaman noon …

Kelvin Miranda Kira Balinger

Kelvin at Kira ‘di naiwasang ‘madala’ sa kanya-kanyang role

MAGANDA na talaga ang tila balik-normal na activity ng mga tao lalo na ‘yung mahihilig …