Thursday , June 4 2026
Coco Martin Brillante Mendoza Aljur Abrenica

Coco ‘di problema kung 2nd choice sa Apag

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON kay Direk Brillante Mendoza, si Aljur Abrenica dapat ang lead actor niya sa Apag pero last minute ay nag-back out ito. 

Nabanggit daw niya sa dating alaga na si Coco Martin ang problema niya at nagsabi naman ang aktor na kung wala siyang taping ay siya na ang gagawa ng movie.

Siyempre pa, natuwa si Direk Brillante sa sinabi ni Coco kaya inayos niya agad ang schedule ng shooting para hindi matamaan ang taping days ng aktor. Kasagsagan pa ‘yun ng pandemic at hindi pa tapos that time ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Kahit second choice, hindi ikinahihiya ni Coco na pinalitan niya si Aljur. Sobrang proud at masaya pa siya na napunta sa kanya ang nasabing pelikula.

Sabi ni Coco sa madiacon ng Apag, “Kasi sabi ko nga, ako, kung pupwede lang akong magprisinta ‘pag may mga pelikula si direk Dante (Brillante), talagang naiinggit ako.

“Everytime na may ginagawa siyang pelikula na hindi ako part, naiinggit ako. Kasi alam ko na kung ano ‘yung hirap, ‘yung talento na ibinubuhos doon sa pelikulang ‘yun kapag ginagawa nila ‘yun, tapos ‘yung proseso, ‘yung saya ng company habang ginagawa ‘yun, alam na alam ko ‘yun, eh.”

Dagdag pa niya, “Hindi ako nahihiya kung hindi man ako ang naisip ni direk Dante para rito sa project na ‘to. And then noong sinabi niya na kung gusto ko, kung okay sa ‘kin, talagang kahit na ‘yung time na ‘yun na, ‘di ba, kita n’yo naman, putok na putok ako roon, ang taba-taba ko (sabay-tawa).

Pero sabi ko nga, kahit sa kalagitnaan talaga niyong trabaho namin sa ‘Probinsyano’ sa Ilocos, from Ilocos, umuuwi ako, diretso kami ng shooting.

“Kasi, sabi ko nga, ganoon ko bina-value si direk Dante at ‘yung proyekto na ginagawa niya every time na may project siya.

“Kaya sobrang grateful ako na natuloy ako rito sa project na ‘to, at nandito kami ngayon sa harapan ninyo.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …