Friday , October 18 2024

PAMANGKIN NG MAYOR TINODAS NG BALA (Sa Zamboanga del Norte)


PATAY ang pamangkin na babae ng alkalde ng bayan ng Sirawai, sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, nitong Sabado ng gabi, 7 Mayo.

Kinilala ni P/Maj. Shellame Chang, tagapagsalita ng PNP PRO-9, ang biktimang si Sitti Warna Pawai Sala, 33 anyos, residente sa Brgy. Sirawai Proper at isang ‘job order worker’ ng Sirawai LGU, binaril habang nasa loob ng bahay ng isang kamag-anak sa Sahaya, Brgy. San Vicente, sa naturang bayan, kamakalawa.

Ayon kay Chang, kilalang tagasuporta si Sala ni Aljzar Janihim, anak ni Sirawai, incumbent mayor Gamar Janihim, at tiyuhin ng biktima.

Nabatid nakaupo sa tabi ng bukas na pinto ang biktima nang biglang pumasok ang suspek na naksuot ng uniporme ng pulis saka siya binaril sa ulo.

Natagpuan nina P/Capt. Alexie Palisoc at mga tauhan ng 2nd Zamboanga del Norte PMFC kalaunan ang getaway na motorsiklo ng suspek sa Sitio Maasum, Brgy. San Nicolas kung saan sumemplang.

Ayon kay P/Sgt. Carding Unding, imbestigador ng kaso, dinakip ng pulisya ang suspek na kinilalang si Anhar Tunggal Montong, 24 anyos, residente sa Brgy. San Roque, sa nabanggit na bayan, na dinala sa Sirawai Health Unit para malapatan ng atensiyong medikal.

Nakuha ng mga kagawad ng pulisya ang dalawang kalibre .45 pistola, dalawang magasin, isang magasin para sa 5.56 mm pistol, at sari-saring bala.

Inamin ni Montong, ang krimen at sinabing kasama niya si Saiben Alipon Jakaria, residente sa Brgy. Montivo, bayan ng Sibuco.

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Knife Blood

Negosyanteng bebot naningil ng pautang tinodas ng tarak sa dibdib

PATAY ang isang 42-anyos negosyanteng babae nang saksakin ng kanyang sinisingil sa Sitio Stella Maris, …

Magsasaka itinumba sa harap ng mag-ina

BUMULAGTA ang isang magsasaka matapos barilin ng hindi kilalang mga suspek sa harap ng kaniyang …

Over 1,800 career opportunities offered at job fair in SM Center Pulilan

Over 1,800 career opportunities offered at job fair in SM Center Pulilan

Job seekers and companies gather at the recent job fair held at SM Center Pulilan …

Drug den binuwag ng PDEA, 3 tulak timbog sa Pampanga

Drug den binuwag ng PDEA, 3 tulak timbog sa Pampanga

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga na naaktohan sa loob ng isang …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa mabilis na pagresolba sa Lulu couple murder case
PRO3 PINURI, ITINAMPOK NG PNP CHIEF

PINURI at kinilala ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil ang Police Regional Office 3 …