Saturday , May 18 2024

Janitor todas sa boga ng Jaguar

ISANG janitor ang pinagbabaril ng isang guwardiya

PINAGBABARIL ang isang janitor, na ikinahulog nito mula sa ika-pitong palapag, ng isang guwardiya matapos kantiyawan ng biktima ang suspek habang nag-iinuman sa isang condominium sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Namatay noon din ang biktimang si Ronald Tolo, 38,  stay-in sa kanyang pinagtratrabahuan sa State Condo 1, Sotto Street, Legazpi Village, Barangay San Lorenzo ng nabanggit na lungsod.

Ilang tama ng bala sa iba’t bang bahagi ng katawan mula sa kalibre .38 baril.

Nasa kustodiya ng Makati City Police ang suspek na si Dionisio Tabla, 51, security guard, ng Sandal Wood Street, Barangay Langgam, San Pedro, Laguna.

Sa report ng Makati City Police, nangyari ang insidente dakong 12:55 am sa rooftop ng State Condo 1, na matatagpuan sa Sotto Street, Legazpi Village, Barangay San Lorenzo Village ng nabanggit na lungsod.

Janitor ang biktima at guwardiya naman ang suspek sa nabanggit na condominium, kung saan nag-inuman dahil kaarawan ng isa nilang kasamahan.

Habang nag-iinuman, kinantiyawan umano ng biktima ang suspek pero hindi idinitalye.

Iyon umano ang dahilan kaya nagalit ang guwardiya saka binunot ang baril, at noon napaurong ang biktima.

Pinagbabaril ng guwardiya ang janitor at mula sa rooftop ng naturang condo ay nahulog sa ikapitong palapag ay  nahulog ito na  ikinasawi nito.

Dahil sa insidente ay humingi ng police assistance ang guwardiya ng Makati Central Estate Association, (MaCEA) Inc., na si  Noel Imbing.

Natagpuan ng mga pulis ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima sa damuhan ng isang hardin sa bahagi ng Rada Street, habang nadakip naman ang suspek na noon ay papatakas na sana.

Dinala  ang suspek sa himpilan ng pulisya at inihahanda ang kasong pagpapatay, matapos makuha ang isang kalibre .38 baril at ilang mga basyo ng bala. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …