MA at PA
ni Rommel Placente
NANINIWALA si Ogie Diaz na totoo ang mga lumalabas na balita na hiwalay na sina Paolo Contis at LJ Reyes. Sinubukan niya kasing tawagan at i-text si Paolo para makuha ang panig nito tungkol sa isyu sa kanila ng aktres, pero hindi nito sinasagot ang tawag.
Sabi ni Ogie sa kanyang vlog, ”’Yang ganyan na hindi ako sinasagot ni Paolo, tinatanong ko siya ‘huy! totoo bang wala na kayo?’ Hindi siya sumasagot, feeling ko totoo.
“’Pag may ibang hanash, naka-text agad sa akin eh, ngayon hindi!
“‘Pag hindi totoo ‘yung akusasyon, nakasagot agad ‘yan. So, feeling ko, that answer my question.”
So, totoo ngang hiwalay na sina Paolo at LJ. ‘Yun ang pakiramdam ni Ogie. Hindi nga kasi nag-reply si Paolo sa tanong niya kung wala na sila ni LJ.
Kung may relasyon pa sina Paolo at LJ, siguradong magri-reply ang aktor kay Ogie at sasabihing hindi totoo ang balita, ‘di ba? At may kasabihan tayo na, ‘silence means yes.’