EMOSYONAL na dumulog ang nanay ni Maine Mendoza sa NBI noong Lunes nang nagsampa ito ng reklamo ukol sa kumakalat na sex video umano ng kanyang anak.
Ibinahagi ni Maine na kinilabutan siya nang makita ang video dahil sobrang kamukha niya umano at itinanggi niyang siya ito.
Ayon kay NBI Division Chief Victor Lorenzo, titingnan ng NBI ang reklamo ng nanay ni Maine na si Mary Ann at sisilipin kung sino ang nagpakalat ng video.
Ang mga posibleng kaso na isampa ay Anti-Voyeurism Act, the Safe Spaces Act kasama ang cyber libel, unjust vexation at identity theft.
MA at PA
ni Rommel Placente