Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Super Tekla nagpapanggap na bakla para makabuhay ng pamilya (Kahit kadiri)

HINDI matapos-tapos ang controversy sa buhay ng komedyanteng si Super Tekla, nariyan ‘yung issue niya sa drugs at kay Willie Revillame na naayos two months ago.

Pero ngayon ay mas matindi ang kinahaharap na pagsubok ni Tekla dahil inaakusahan siya ng marital rape (sapilitang pakikipagtalik) ng 6 years nang live-in partner na si Mitchelle Lhor Bana-ag kung saan may isang anak si Tekla.

At dahil damay ang bata (baby) sa sumbong ni Michelle kay Mr. Raffy Tulfo sa kabastusan at kalaswaang ginagawa ni Tekla, ayon sa legal counsel at son-in-law ni Raffy na si Atty. Garreth Tungol, pasok rin dito ang kasong child abuse na puwedeng kaharapin ni Tekl  a na puwede siyang makulong nang habambuhay.

‘Yung sa marital rape kahit isang beses lang nangyari kapag napatunayan na nagkasala ang akusado ay d       eretso kulong na raw at no bail ang kaso.

Samantala, nagpa-interview na si Tekla sa digital show ng GMA, at lahat ng akusasyon sa kanya ni Michelle ay itinanggi niyang lahat na hindi raw niya magagawa ang mang-abuso at may kapatid siya at anak na babae sa kanilang probinsiya sa Cotabato.

Sinabi rin ni Tekla na never niyang ginutom si Michelle at ang anak nila at tatlong pamangkin ng karelasyon na nakapisan sa nirerentahan na condo. Totoo naman ito kaya nga pilit na nagpapanggap na bading si Tekla kasi para mabuhay ang kanyang pamilya. Pero as of press ay matigas talaga itong si Michelle at gusto raw talagang kasuhan si Tekla at makulong.

Well, abangan na lang ang susunod na kabanata sa naturang maselang isyu.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …