Tuesday , September 27 2022

Kris Aquino, kompirmadong kasama sa China Rich Girlfriend (sequel ng Crazy Rich Asians)

KINOMPIRMA ni Kris Aquino na sinabihan siya ng kaibigang Singaporean-American novelist na si Kevin Kwan na kasama siya sa sequel ng pelikulang Crazy Rich Asians na ipinalabas noong 2018. Ang titulo ng part 2 ay China Rich Girlfriend.

Ginam­panan ni Kris ang karakter na Princess Intan at sa ilang minutong exposure niya sa Crazy Rich Asians  napansin kaagad siya.

Ayon kay Kris, “I asked him (Kevin) because the opening of ‘China Rich Girlfriend’ is the wedding. And then I was asking him, ‘Am I going to be at the wedding? Is Princess Intan invited to the wedding?’

“And he said, ‘Of course! Because you’re the one who gave her (Rachel Chu, bilang si Constance Wu) the validation in Crazy Rich Asians. So I said, ‘Oh my gosh, I hope it happens!”

Kamakailan ay naikuwento ni Kevin Kwan na humingi siya ng advice kay Kris para sa ilang character sa bago niyang librong Sex and Vanity at ginamit pa nito ang pangalan ng Queen of Social Media bilang isa sa Filipino character sa Sex and Vanity.

He said that, ‘I would imagine that was when your mom went to school.’ And I said, ‘My mom went to St. Scholastica, then she went to Assumption, and then she went to school in the States. And then he (Kevin) used the schools in the States where my mom went.

“Because my mom went to this school in Philadelphia where Princess Grace of Monaco actually went, so that’s included in the book.

”The sisters who are there (sa libro) they have a cousin named Kris who owns the biggest talent agency in the Philippines. And then they were telling the girl that she could be a model and that Kris is me. And I said, ‘Thanks, Kevin!’” pahayag pa ni Kris.

Noong 2019 ay nabalita na ang part 2 ng Crazy Rich Asians na ngayong 2020 isu-shoot, pero dahil sa Covid-19 pandemic ay hindi natuloy at posibleng 2021 na at 2022 na ito maipalalabas.

Samantala, sa sequel pala ay kasama na si Heart Evangelista bilang si Collette Bing sa karakter na sosyalerang Chinese blogger na mahilig umawra sa events.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Tanya emosyonal — Bumabawi si Vhong sa akin

I-FLEXni Jun Nardo MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling …

Blind Item, excited man

Male starlet marami ang natatanso kahit buking ang pagiging beki

ni Ed de Leon “BAKLA naman po siya talaga, pero marami ngang natanso dahil pogi …

Vhong Navarro Deniece Cornejo

Vhong aapela hanggang SC; Deniece magpapakatatag

HATAWANni Ed de Leon HANGGANG Korte Suprema ay nakahandang umapela ang legal team ni Vhong Navarro kung …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Leave a Reply