Friday , May 17 2024

TF ng ABS-CBN artists, binawasan ng 20-50 %

BUMABA na sa 20-50% ang talent fees ng mga artistang may programa sa ABS-CBN, base sa isang miyembro ng PAMI na si Manay Lolit Solis.

 

Sa kanyang Instagram post na may artcard na 50% ay napagkasunduan  ng samahan ng talent managers na ibaba nila ang TF ng mga artistang hawak nila para matuloy ang projects kaysa wala.

 

 “Nagulat ako ng malaman ko ng meeting pala ng PAMI sa ABS-CBN ay napag-usapan ang price cut o discount sa talent fees ng mga artista. Kasi nga hindi ako naga-attend ng meeting pag gabi , at bobo ako sa Zoom kaya wala ako duon.

 

“Sabi ni June Rufino pumayag daw lahat ng PAMI members sa hiniling na discount ng ABS. Ok fine, pero ang naging problema ko hindi ako nasabihan ng mga EP ng kunin nila ang mga stars ko , kaya na-shock ako dahil inakala pala nila na nasabi na ni June Rufino sa lahat.

 

“Sa tindi ng sitwasyon ngayon na kapit patalim siguro o talagang artistic juices na lang ang hinahabol ng mga artista sana nga pumayag sila sa 50% to 20% cut na babawasin depende sa TF nila, at iyon sitwasyon sa taping o shooting na lock in na no taping no pay, nanduon ka sa loob ng 1 month pero ang babayaran lang kung ilang araw ang trabaho mo, at siyempre huwag kang maghanap ng magandang accommodation , hindi hotel kundi motel type ang titirhan nyo , wala kang alalay , make up artist, stylist. At hindi ka rin puwede maging mapili sa pagkain dahil kung ano ang nanduon sa set , iyon ang pagkain nyo.

 

“Alam ng lahat ang sitwasyon ng showbiz ngayon, siguro dito mati test ang tolerance level ng artista, dahil hindi lang basic ang babalikan mo sa trabaho, balik din ngayon sa mga dating talent fee before nauso iyon sky rock high na asking price ng mga artista.

 

“Now is the moment of truth, parang starting uli ang showbiz, panahon na regular pa ang payslip at wala ang mga nauso na personal make up artist at stylist. Welcome to the real world. #classiclolita #takeitperminutemeganun  #73naako.”

 

Ganito rin ang kuwento sa amin ng non-PAMI member na tinawaran din ang alaga niyang kasama sa show ng ABS-CBN.

 

Sabi pa ni Manay Lolit na medyo mahirap para sa freelance artist na ipaliwanag na kailangang ibaba ang talent fees nila hindi katulad ng contract artists ng network.

 

“Siguro Salve iyon price-cut madaling gawin sa mga contract stars ng network, pero mahirap explain sa mga freelancers iyon cut na 50% to 20% sa talent fee nila.

 

“Appreciate ko iyon pagpayag ng PAMI dahil siyempre pay back time din sa good times na natikman mo nuon sa trabaho, pero iyon mas malaki ang danger ngayon dahil andiyan parin ang virus, iyon discomfort mo habang naka lock-in, iyon naka lock-in ka pero no taping no pay ka rin naman.

 

“Hindi mo nga siguro ma feel iyon price- cut kung araw-araw ang taping mo habang naka lock-in. Ewan ko sa ibang managers kung paano nila explain sa kanilang alaga pero ang hirap nito sabihin dahil nga sa laki ng price cut.

 

“Iyon under contract sa network ok, dahil ang manager nila ang network , iyon desisyon nila ang masusunod.

 

“Wow talaga ang sakit ulo na binigay ni Covid 19, ang choice mo either magtrabaho o hindi , dahil nga sa mga changes. Hoping ko na lang na nanduon parin iyon excitement nila to face the camera inspite and despite all the changes. Sakit ulo talaga. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako.”

 

Hindi lang mga artista ang binabaan ng talent fees pati mga nagta-trabaho sa production ay pinababaan din at kailangang tanggapin kaysa wala silang trabaho ngayon sa panahon ng Covid-19 pandemic.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Blind Item, Woman, man, gay

Gay showbiz personality hinimok magka-anak asawang male model sa GF

ni Ed de Leon NAPAG-USAPAN na rin lang iyang same sex marriage, noon pa namin …

Heart Evangelista

Heart magdadahan-dahan muna sa trabaho

HATAWANni Ed de Leon NAGDESISYON ngayon si Heart Evangelista na kailangan nga raw siguro siyang mag-slow down …

Robin Padilla Queenie Kylie Zherileen

‘Karma’ ni Robin unfair ipasa kina Queenie at Kylie

HATAWANni Ed de Leon PARANG unfair naman ang sinasabi ng mga tao kung minsan, nang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *