Saturday , November 16 2024

Duplikadong FB accounts kumalat (Sa gitna ng protesta vs Anti-Terror Bill)

SIMULA noong Sabado, 6 Hunyo, mara­ming Filipino sa iba’t ibang lugar ang naba­hala nang mabatid na mayroong mga gina­wang pekeng 2nd Facebook account sa ilalim ng kanilang mga pangalan.

Nagpahayag ng pagkabahala ang daan-daang estudyante mula sa mga paaralan sa Cebu, partikular sa University of the Philippines Cebu, Uni­versity of San Carlos, at San Jose Recoletos dahil sa naglabasang FB accounts gamit ang kanilang mga pangalan.

Naunang inakalang sa Cebu at Central Visa­yas lamang nagaganap ang paggawa ng mga mga pekeng FB accounts ng mga aktibista at mga indibidwal na nag­papahayag ng opinyong politikal, ngunit luma­labas na may mga pekeng Facebook account din na ginawa sa iba pang lugar sa bansa.

Sa kasalukuyan, hindi lamang mga estudyante at mga aktibista ang nagawan ng mga pekeng Facebook account, maging mga indibidwal na walang kaugnayan sa aktibismo.

Napag-alaman, kara­mihan sa mga pekeng account ay walang profile picture at walang laman ang friends list.

Nabatid na pareho ang format ng link ng mga pekeng Facebook: pangalan (dot) apelyido at numero.

Naitala ng isang non-government organization sa Cebu ang hindi bababa sa 400 dummy account simula noong Sabado, ngunit maaaring umabot na ito sa libo ngayon.

Naiulat ang mga dobleng account ay mula sa Metro Manila, Iloilo, Dumaguete, at Cagayan de Oro.

Tinanggal na ng Facebook ang mga nai-report na accounts ngunit may ilan muling pani­bagong dummy account na naglalabasan gamit ang pangalan ng natang­gal.

Iniulat ng isang residente sa Quezon City na umabot sa 25 accounts ang kaniyang pangalan.

Naglabas noong Linggo ng umaga, 7 Hunyo, ang University of the Philippines, Office of the Student Regent ng pahayag kaugnay ng mga pekeng Facebook fake accounts sa ilalim ng pangalan ng kanilang mga estudyante.

Anila sa kanilang Facebook post, “We express our utmost alarm since these accounts are suspected to cause harm or spread false information. It would be best if we all stay informed and vigilant.”

Nagpaalala ang student regent na maging maingat sa pagre-report ng mga posibleng totoong account na maaaring magkapangalan lang.

Nabatid, ang mga nadakip na aktibista sa UP Cebu noong Biyer­nes, 5 Hunyo, ay may­roong 30 hanggang 40 pekeng accounts na nakapangalan sa kanila.

Iniulat ng San Beda University ang data breach nang magkaroon ng access ang isang hacker sa mga personal na impormasyon at mga social media passwords ng libo-libong mga estudyante na kanilang inilabas online.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *