NASA ilalim man ng modified enhanced community quarantine ang buong bansa, tuloy-tuloy pa rin para si iBilib host Chris Tiu sa pagbabahagi ng kaalaman sa mga viewer lalo pa at mapapanood na rin tuwing Martes at Huwebes ang kanyang award-winning educational show sa GMA Network.
Tuwing umaga ay magbabahagi ang iBilib ng mga masasayang Science experiments na pwedeng pag-bonding-an ng mga magulang at kanilang chikitings. Lubos namang ikinatuwa at ikinasabik ni Chris ang pag-ere ng iBilib tuwing umaga sa Kapuso Network na pwedeng alternatibong paraan para patuloy na matuto ang mga bata sa kabila ng kinahaharap na pandemya.
“Now na wala munang pasukan sa mga eskuwelahan, I think this is a great platform for alternative learning. What we do in the show is to teach science.”
Dagdag pa ng dating basketball player at ngayon ay Department of Science and Technology (DOST) ambassador, nami-miss na rin niyya ang iBilib team na matagal niyang hindi nakikita dahil sa ipinatupad na community quarantine. “This is the longest time that we haven’t seen each other and we’re always excited to create new content and new material for the information, for the learning of our viewers,” ani ni Chris.
Mapapanood ang iBilib tuwing Martes at Huwebes, 8:30 a.m., sa GMA-7.
RATED R
ni Rommel Gonzales