Monday , May 20 2024

Janine, nanawagan ng tulong para sa mga apektado ng Bagyong Ambo

WALANG naka-set na routine si Janine Gutierrez na namamalaging mag-isa sa kanyang condo unit habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.

Iba-iba ang ginagawa niya kada araw, depende sa kanyang mood. “May days na sobrang pumped up ako, I feel so productive, tapos may days naman na I’m kinda sad. I learned na you also don’t have to be too hard on yourself with the illusion na kailangan mong maging sobrang productive,” kuwento niya.

Gayunman, pinananatili pa rin niyang busy ang sarili sa mga gawaing-bahay at pakikipag-communicate sa mga pamilya at kaibigan. “It’s different everyday pero for sure I do a lot of chores. Dishes, laundry, linis-bahay, so everyday is different for me. Mayroon akong laundry day, mayroon akong linis day. I also talk to my family and my friends a lot. I watch a lot of Netflix,” dagdag pa niya.

Samantala, nanawagan ng tulong si Janine para sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Ambo sa San Policarpio Samar, nitong Lunes, Mayo 18. Ipinost ng National Youth Ambassador ang post ng charity organization na Sirak SanPoli sa kanyang Instagram Story kasabay ng  paghingi rin ng tulong para sa mga apektadong residente.

“Help the relief operations for the victims of Typhoon Ambo in San Policarpio, Samar,” aniya.

Bisitahin ang official site ng GMA Kapuso Foundation para alamin ang iba’t ibang paraan kung paano makatutulong at makapagbibigay ng donasyon.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *