HINDI man nagkikita ngayon ang magka-loveteam na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes dahil sa ipinaiiral na Enhanced Community Quarantine, may communication pa rin naman sila. Sa guesting nila sa Magandang Buhay kahapon, Lunes, sinabi nila na madalas silang nagtatawagan thru video call. At tumatagal ng 21 hours ang pag-uusap nila.
“Ang target po dapat ng pag-uusap namin ay hangang 24 hours. Kaya lang nag-hang po ‘yung cellphone namin, hindi na kinaya. Kaya hangang 21 hours na lang po, ganoon,” ang natatawang sabi ni Andrea.
Na sinang-ayunan naman ni Seth na natatawa rin. Sabi niya, “Gusto namin talaga hangang 24 hours.”
Ayon pa kay Andrea, “Naka-ilang try po kami roon (na mag-usap ng 24 hours). Nagsimula kami ng 10 hours, tapos 16 hours. Sabi ko, try nga natin ‘yung 24 hours. Wala kasi kaming magawa.”
Hindi binanggit nina Seth at Andrea kung ano ang mga pinag-uusapan nila. Pero kung ganoon sila katagal mag-usap, iisa lang ang ibig sabihin nito, na espesyal sila sa isa’t isa, ‘di ba?
Well, naniniwala kami na ang pagiging loveteam nila ay posbileng mauwi sa totoong buhay.
MA at PA
ni Rommel Placente