Thursday , May 26 2022

KBO sa TV Plus, hatid ang 2019 MMFF movies nina Coco, Vice, at Vic 

MAPAPANOOD na sa TVplus ang mga pinilahan at patok na mga Metro Manila Film Festival na pelikula nina Vice Ganda at Anne CurtisVic Sotto, at Coco Martin ngayong Mayo.

Hitik sa katawawanan ang tambalang Anne at Vice sa The Mall, The Merrier na mapapanood ngayong Mayo 1. Iikot ang kuwento nito sa magkapatid na sina Moira (Vice) at Morissette na mag-aagawan sa mall na iniwan ng kanilang magulang matapos mamatay sa pagsabog ng eroplano.

Ibang Vic naman ang mapapanood ng mga Kapamilya sa Mission Unstapabol: The Don Identity. Kilalanin siya bilang si Don Roberto, isang lalaking na-frame-up ng kanyang kapatid na nagnakaw ng isang perlas sa isang museum. Sa kanyang paglaya, itutuloy niya ang paghahanap sa kapatid at sa perlas sa tulong ng binuo niyang grupo kasama ang driver niyang si Kikong (Jelson Bay), bigong boksingero na si Johnson (Jake Cuenca), palpak na  majikero na si Zulueta, (Pokwang), stunt double na si Bruno (Wally Bayola), at ang misteryosong hacker na si Donna (Maine Mendoza). Samahan ang kanilang grupo ngayong Mayo 8.

Kabilang din sa line-up ang movie ni Coco na 3pol Trobol: Huli Ka Balbon na mapapanood ngayong Mayo 15. Gumanap bilang bodyguard na si Pol na naging main suspect sa pagkamatay ng kanyang amo. Susubukan niyang linisin ang kanyang pangalan at mahanap ang totoong pumatay sa kanyang boss habang binabantayan ang anak nito na si Trina (Jennylyn Mercado).

Bukod sa MMFF films, mapapanood din ng KBO viewers ang horror film na The Heiress sa Mayo 22. Bida sa pelikula ang nagbabalik na si Maricel Soriano bilang ang mambabarang na si Luna. Gagawin niya ang lahat para lang maprotektahan ang pamangking si Guia (Janella Salvador). Ngunit unti-unting magbabago ang kanilang mundo nang makilala ng dalaga ang kaibigang si Renz (Mccoy de Leon) at nanay niyang gagampanan naman ni Sunshine Cruz.

Tampok naman sa Mayo 29 ang romantic movie nina RK Bagatsing at Jane Oineza na Us Again. Sesentro ang pelikula sa magulong love story Margie (Jane) at Mike (RK). Magsasalubong ang kanilang buhay nang maging roommate ni Margie ang kasintahan ni Mike na si Anne. Panoorin kung paano mabubuo ang isang bawal na pag-iibigan sa kanilang dalawa at kung ano ang kahahatungan ng kanilang magulong pagsasama.

Maaaring manood at magregister ang ABS-CBN TVplus subscribers gamit ang kahit anong prepaid o postpaid SIM. Para sa prepaid, magload  (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green/INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang box ID; at i-text ang KBO30 (date) <TVplus box ID> sa 2366. Maaari mo rin ma-enjoy ang 4-weeks KBO for Php 99 pesos, tipid ka ng Php 21! I-text lang ang KBO99 <TVplus box ID> at i-send sa 2366.

About hataw tabloid

Check Also

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO …

Krystall herbal products

Lunas sa frozen shoulder

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ano po ang …

Rhea Tan Marian Rivera Beautéderm Home

Marian budol ng buhay ko; Pinayaman pa niya ako — Rhea Anicoche Tan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA apat na taong pagiging endorser ni Marian Rivera-Dantes ng Beautederm Home lumalim na …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Beautéderm Home at Marian Rivera-Dantes, solid na solid pa rin!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ENGRANDENG pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinaos ng Beautéderm Home …

Globe Prepaid Virtual Hangout GaWatch Filmlab

Erik, Jade, JP, at Antoinette magbibigay workshop sa GoWatch Film Lab

I-FLEXni Jun Nardo ANG mga bigatin at acclaimed directors na sina Erik Matti,  Jade Castro, JP …

Leave a Reply