Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stab saksak dead

Bebot patay sa saksak ng live-in partner

PATAY ang isang gi­nang nang pagsasak­sakin ng kanyang live-in partner sa loob ng kani­lang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang bikti­mang si Maria Rosa Jatulan, 53, vendor sa Con­­cepcion Market, at residente sa E. De Jesus St., Brgy. Concepcion, habang pinaghahanap ng mga pulis ang kan­yang live-in partner na si Danilo Manalastas, nasa hustong gulang.

Batay sa imbestigasyon nina SPO1 Jherico Pascual, PO2 Joenel Claro at PO2 Aaron Blanco, dakong 5:00 pm nang utusan ng kapatid ng biktima na si Wilma, 43, ang kanyang anak na si Jovito na puntahan ang kanyang tiyahin sa inuu­pahang apartment para alamin kung bakit hindi nagtinda sa pa­lengke.

Agad nagtungo si Jovito sa bahay ng tiya­hin at pagdating ay paulit-ulit niyang kina­tok ang pin­to ngunit walang nagbubukas kaya hu­mingi ng tulong sa isang Reynaldo Gallardo saka sinira ang window grills.

Nang makapasok sa loob, laking gulat ni Jovito nang makita sa loob ng kuwarto ang wala nang buhay na biktima habang natakpan ng unan at banig kaya agad niyang ipinaalam sa kanyang ina na siyang nag-report sa pu­lisya hinggil sa nadis­kobre.

Sa isinagawang cur­sory examination ng mga tauhan ng SOCO sa bang­kay, nabatid na ito ay may mga saksak sa dibdib at kaliwang braso.

Nauna rito, dakong 11:15 am nang marinig ng kapitbahay ng bikti­ma na si Roxanne Co­nise, 27, si Ma. Rosa ha­bang umiiyak at sumi­sigaw ng “Danny Tama na!”

Pagkaraan ay nakita ng isa pang saksi na si Joel Conge ang suspek na lumabas sa kanilang apartment at nagma­madaling sumakay sa motorsiklo saka mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …