READ: FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pinaporma si Victor Magtanggol
READ: Paghahanap ng magbibida sa Dapithapon…, madugo
TINAPOS agad ni Kris Aquino ang pang-iintriga sa kanila ni Sharon Cuneta, ang umano’y pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan.
Sa isang post ni Kris sa kanyang social media account may nagtanong kung magkagalit ba sila ng Megastar dahil hindi raw nagpasalamat si Kris kay Sharon kahit nagpa-block screening ang aktres ng I Love You, Hater na pinagbibidahan ni Kris kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Tugon ni Kris sa netizen, “I’m sorry I’m unaware, I thanked her personally through text when I saw the @starcinema post of her interview…”
Sinabi naman ni Sharon nang magsagawa siya ng block screening ng I Love You Hater na gusto niyang imbitahan si Kris subalit nasa ibang bansa ito. Ito ‘yung nagpunta ang Queen of Online World and Social Media sa Indonesia para sa isang TVC shoot ng isang herbal medicine.
Pinuri pa nga ni Sharon si Kris sa pelikula nito. “…But you are so refreshing in this movie and your character just as fun and colorful as your outfits na I am sure matutuwa lalo the audience when they watch you!”
Maging si Sharon ay nakiusap sa mga nang-iintriga sa kanila ni kris na huwag silang gawan ng isyu.
“We have no problem so let’s not make one,” giit pa ni Sharon.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio