Saturday , November 23 2024

Christian, naapektohan ang career nang iwan ang mag-asawang direktor

TINIYAK ni Christian Bables na marami pa siyang maipakikita sa ibang pelikulang gagawin at ginagawa. Ang pagtitiyak ay ginawa ni Christian sa presscon ng pinakabago niyang handog na pelikula na isa sa entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang Signal Rock na idinirehe ni Chito Rono mula sa kanyang CSH Film PH Production at ipamamahagi ng Regal Entertainment Inc..

Ani Christian, ”This is a difference challenge kumbaga. Ibang character, iba po roon sa mga ginawa ko at gagawin ko pa.

“So I think kung naibigay ko man ‘yung, if I may say a thousand percent kung acceptable iyon, siguro maibibigay ko pa rin naman iyon sa iba. Kasi iba naman ang requirement ng iba ko pang mga gagawin.”

Ginagampanan ni Christian ang papel ni Intoy na nakatira sa isang mahirap na isla na tanging ang pangingisda ang hanapbuhay. Inaalagaan niya ang kanyang mga magulang habang naghihintay sa padala ng kapatid na si Vicky na isang OFW.

Kasama ni Christian sa Signal Rock sina Elora Españo, Mara Lopez, Francis Magundayao, Daria Ramirez, Arnold Reyes, Nanding Josef, Archie Adamos, Sue Prado, JayR Versales, Keana Reeves, Julia Chua, Kokoy De Santos, Jomari Angeles, Rubu Ruiz, Mon Confiado, Ces Quesada, Lee O’Brian, Dido Dela Paz,at marami pang iba.

Samantala, nilinaw ni Christian na hindi ang Signal Rock movie ang

“Hindi po ito ‘yon. Base sa mga tsismis ‘yung teleseryeng ginagawa ko ngayon. Iyon ‘yung Halik ng ABS-CBN. Nauna po ito bago iyong pag-uusap namin nina direk Jun (Lana).”

Sinabi ni Christian na okey na sila nina Direk Jun Lana at Perci Intalan.

“Okey na kami. Sobrang okey na. I considered this PPP as a blessings. Ito talaga ang nakita kong chance na magka-usap kami.

Idinagdag pa ni Christian na siya ang nag-reachout kina Direk Jun at Perci. ”Opo. Hindi kasi talaga ako akatiis.”

Sa kuwento pa ni Christian, November pa niya gustong makipag-usap sa dalawang direktor. ”Hindi ako nagkaroon ng chance na makita sila. Nagkaroon lang ako ng chance na i-message si direk Jun thru FB messenger. That’s it. Pero ‘yung personal na reconciliation hindi ko nagawa sa kanila. Hindi ko sila natanong what it is na ikinasasama ng loob nila sa akin at ihihingi ko ng tawad.”

Aminado rin si Christian na naapektuhan ang career niya dahil sa pangyayaring iyon. ”Halos araw-araw akong nakakabasa ng mga bad write up about me na ako personally, it’s painful for me kasi ‘yung mga nakasulat sa write-up hindi totoo.

“‘Yung utang na loob na sinasabi nila that is one thing na hindi ko mapapayagan kung bubuksan ninyo ang dibdib ko, ‘yung utang na loob will always be here hanggang sa mamatay ako.

“Itong mga taong ito (Direk Jun at Direk Perci) ang dahilan kung bakit ako narito. So, its very unfair for me and for them para sabihin na nag-fall apart ‘yung tiwala, ‘yung utang na loob ko sa kanila. Hindi po mangyayari.”

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *