SAMANTALA, muli na namang gagawa ng kasaysayan ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Tawag ng Tanghalan sa paglulunsad ng TNT Records, ang magiging tahanan ng bagong tunog at musika ng bagong henerasyon ng OPM.
Sa unang pagkakataon sa bansa, nagbigay-daan ang isang singing competition sa pagbuo ng isang record label na maghahandog ng panibagong OPM sound. Ito ay binuo at tatakbo sa ilalim ng gabay ng ABS-CBN at Star Music.
Pumirma ng kontrata sa TNT Records ang ilan sa unang artists na kasama sa pamilya nito, kabilang na ang worldwide sensation at Pinoy pride na TNT Boys at ang bagong grand champion at ang tinaguriang New Gem of OPM na si Janine Berdin.
Kasama rin sa TNT Records ang folk-rock mover na si Ato Arman, ang powerhouse performer na si Eumee, ang songsmith na siFroilan Canlas, ang ballad prince na si Anton Antenorcruz, ang all-out teen diva na si Arabelle Dela Cruz, ang spectacular performer na siReggie Tortugo, and inday wonder na si Sheena Belarmino, at Mr. Rhythm na si Steven Paysu.
Pinagsamang lakas at talento naman ang angkin ng mga grupong Cove na binubuo nina JM Bales, Christian Bahaya, at Sofronio Vasquez, at ang bagong bandang biritera na Bukang Liwayway nina Lalainne Araña at Pauline Agupitan.
Asahan ding maraming orihinal na awitin ang ire-release ng artists na mabubuo sa pagtutulungan at pagsasama-sama ng lumalaking pamilya ng TNT na binubuo ng singers, composers at arrangers.
Una na rito ang single ni Eumee na Bratatat at ang Biyaya ni Janine na parehong isinulat ng TNT Records music producer na si Chochay Magno.
Tuloy-tuloy naman ang projects para sa TNT singers, kasama na sina Sam Mangubat, Marielle Montellano, at Noven na namamayagpag sa Star Music family.
Magsasama-sama nga ang lahat ng TNT singers sa kanilang first major concert na TNT All-Star Showdown na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Hulyo 28 produced by TNTV, Star Events, at ABS-CBN Events.
Makakabili na ng tickets sa Ticketnet at sa Araneta Coliseum Box Office, tawag lang sa 911-5555 o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio