Thursday , February 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, iniwan ang pagiging diyosa para sa BuyBust

HINDI nag-atubili si Anne Curtis para iwan ang imaheng diyosa para sa pelikulang BuyBust, ang pelikulang punumpuno ng aksiyon at suspense na handog ng Viva Films at Reality Entertanment. Ito’y pinamahalaan ni Direk Eric Matti na mapapanood na sa mga sinehan sa Agosto 1.

Makakasama ni Anne rito ang Film-Am at ONE Championship heavyweight champion na si Brandon Vera.

Hindi nasayang ang mga pasa at panganib na sinuong sa paggawa ng pelikulang ni Anne dahil dalawang international companies ang nagsanib-puwersa para tiyakin ang international success ng BuyBust. Ito ay ang XYZ Films na tumatayong sales agent ng pelikula at ang Well Go USA, ang opisyal na distributor ng movie para maipalabas ito sa North America na mapapanood sa US cinemas simula sa Agosto 10.

Ang Well Go USA rin ang nag-distribute ng inter­national hit na Train to Busan na pinag­bibida­han ni Korean Superstar Gong Yoo. Pormal nilang ilulunsad sa publiko ang Buybust sa July 19 at 21 sa Annual Superhero Kung Fu Extravaganza San Diego Comic Con.

Nagkaroon din ang Buybust ng World Premiere noong July 15 dahil napili itong closing film sa New York Asian Film Festival na dumalo sina Anne, Brandon, at Direk Erik, at Dondon Monteverde.

Sa July 18 naman ay magkakaroon ito ng Canadian Premiere sa Fantasia Festival at Asian Premiere sa Buncheon International Fantastic Film Festival sa South Korean.

Maliban sa US at Korean screening, mapapanood din ng ating mga kababayan ang pelikula sa Middle East, Hong Kong, at Singa­pore.

Ang istorya ng  Buy­Bust  ay umiikot sa isang team ng special forces na maaatasang mag-penetrage at mag-neutralize ng isang drug den. Ang hindi nila alam, ang mismong misyon na ito ang maglalagay sa kanila sa alanganin matapos silang ma-trap sa loob nito nang ma-set-up at traydorin.

Kaya huwag palampasin ang matindi, makapigil-hininga, at umaatikabong aksiyon mula kina Anne at Brandon sa BuyBust.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bianca Umali

Bianca tsinugi bibida sa bagong serye

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING pasabog para sa mga tagasubaybay ng Sang’gre ang mga latest ganap sa …

Anne Curtis Jericho Rosales

Insidente sa ‘walwal’ days ni Anne naungkat sa pagbibida sa pelikula

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KALAKARAN na talaga sa showbiz na kapag may Ipinu-promote na project …

Sheryl Cruz Nicole Sonora

Anak ni Sheryl na si Nicole Sonora pinasok na rin pag-aartista

RATED Rni Rommel Gonzales SI Sheryl Cruz mismo ang nagbalita sa inyong lingkod na artista na ang …

Mark Herras Coco Martin

Netizen nanawagan kay Coco, Mark bigyan ng trabaho

MA at PAni Rommel Placente NAG-VIRAL ang crying video ni Mark Herras sa kanyang Instagram page. May mga nagsasabing …

Dylan Menor

Dylan Menor pressured sa serye ng Viva

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MABENTANG-MABENTA sa mga project si Dylan Menor at nasabi nitong doble ang excitement …