Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong Dantes, ganadong-ganado sa Sid & Aya

ANG latest movie ni Dingdong Dantes at Anne Curtis under the Viva Films banner, ang Sid & Aya (Not A Love Story), ay inihahalintulad ng nakararami sa Hollywood movie na Friends with Benefits.

But according to Dingdong, the inspiration has emanated from the movie director Irene Villamor.

“Hindi ko alam kung galing sa personal niyang buhay pero matagal na raw niyang pina-project ‘to,” said Dingdong at the presscon. “Matinding research rin ang ginawa niya dahil years ago, pinag-uusapan na namin ito.

“So in terms of inspiration, I think the closest inspiration is the book itself, ‘yung Black Swan.”

Ang librong tinutukoy ni Dingdong ay “The Black Swan: The Impact of the Highly Improbable,” na isinulat ni Nassim Nicholas Taleb.

Anyhow, marami ang naku-curious kung ano talaga ang kuwento ng Sid & Aya.

Sa social media na lang, maraming nagtata­nong kung multo raw ba si Anne Curtis?

Pero ano nga ba ang totoong kuwento nito?

Galing na rin kay Dingdong, tungkol raw ito sa dalawang taong naggagagohan.

“Kaya hindi ito love story, kasi hindi siguro ‘yung story na may ending na kikiligin ka.”

Na-challenge raw si Dingdong dahil malayo ang pelikula sa totoo niyang pagkatao. Insomniac kasi ang character ni Sid.

“Isa ito sa mga character na malayo talaga sa akin,” he said in earnest. “Exciting gampanan kasi malayo siya sa katotohanan.

“Hindi naman siya outright na good guy.

“Alam mo na flawed character, maraming pinagdaraanan.

“Maraming issues and then suddenly mababago ang buhay niya dahil sa isang Aya na makikilala niya.”

How is Anne as a work mate?

“Kasi, malaking bagay na magkasama kami twenty years ago,” he looked back. “Makikita mo ang growth niya. For one, nasa TV siya araw-araw.

“Alam mo kung ano ‘yung pinanggalingan namin pareho, sa T.G.I.S., ‘yung ganoon.

“Makikita mo na hindi lang siya active everyday sa It’s Showtime, pero mahal din niya ang craft niya as an actress dahil nababasa ko rin ‘yung ginagawa niya sa Buy Bust.”

Katulad ni Anne, wala rin siya halos ginawang kasabay ng Sid & Aya.

“Nakikita mo kung paano siya mag-transition into character kasi, it’s effortless and parang natural ‘yung flow.”

May kissing scene sila rito?

“Maraming scene, maraming magagandang scene. Lahat ng scene magaganda,” he ended the interview tinged with optimism about the film.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …