Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Aktor, turn-off sa aktres kaya hindi na niligawan

SOBRANG na-turn off ang aktor sa aktres na plano niyang ligawan dahil nakita niya ang tunay nitong ugali na maldita.

Okay naman ang samahan nina aktor at aktres noong magkasama pa sila sa isang serye at hanggang matapos ay lumalabas-labas pa rin sila, pero biglang naputol na ang kanilang pagkikita na ikinataka ng mga kaibigan nila.

‘Yun pala, nalaman ni aktor ang ugali ni aktres at na-experience rin niya noong minsang mawala sa wisyo ang dalaga dahil sa bagay na hindi niya kontrolado.

“Alam mo naman si (aktor), masyadong mapili kasi conscious siya sa career niya at gusto niya ‘yung next girlfriend niya, perfect. Eh, hindi pala sila swak. At saka si (aktres), hindi pa rin seryoso kay aktor,” kuwento ng aming source.

At ang kuwento naman ng schoolmate ng aktres, “naku si (aktres), mapanira ng relasyon ‘yan, kilalang-kilala ‘yan sa school namin kaya maraming galit d’yan.”

Sa kilalang exclusive school nag-aral ng high school ang aktres at kaibigan niya ang source namin na iniwan na rin siya dahil sa ugali niyang mapanira ng relasyon dahil nga wala kasing nagtatagal na boyfriend. (Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …