Monday , November 25 2024
Mon Confiado Direk Somes El Peste

Mon Confiado, magpapakita ng kakaibang performance sa El Peste

INABOT ng apat na taon bago maipalalabas ang pelikulang El Peste tampok ang premyadong aktor na si Mon Confiado. Ngunit base sa teaser ng pelikula, sulit naman ang paghihintay. Plus, may bonus pa sila dahil bahagi ng 4th Sinag Maynila Film Festival ang naturang pelikula.

Sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Richard V. Somes, kakasang­kapin ni Mon ang mga daga para mapalapit sa isang babaeng mayroon siyang pagtingin.

Ayon kay Mon, “Medyo matagal nang natapos ang EL PESTE. Pero ito kasi ay talagang hinahanapan ng timing at hindi minadaling maipalabas. Natapos namin ang shooting ng pelikula around four yrs ago pero ang post production ay hindi minadali. From editing, to dubbing, to music and sound design, kailan lang ito natapos. Unti-unting ginagawa kumbaga and finally, nakahanap na siya ng tamang venue, ang Sinag Maynila Film Festival.”

Wika niya, “Masaya ako at finally nakahanap na ng tamang tahanan ang pelikula naming El Peste. Natutuwa rin ako at ito ay Sinag Maynila Film Festival. Pangalawa ko na ito sa Sinag Maynila, ang una ay sa Swap mula sa unang batch na nagdala sa akin sa Fuzhou, China para sa Silk Road International Film Festival at ito ay napakagandang experience. Masaya rin ako dahil bukod sa nabigyan ng pagkakataon ang El Peste para mapanood ng mga Filipino sa ating bansa, ito ay nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga Filipino filmmakers na gumawa ng magagandang pelikula at sumali sa Sinag Maynila upang ang kanilang mga pelikula ay maipalabas din, hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong mundo.”

Ano ang istorya nitong El Peste? “Ang El Peste (The Pest) ay kuwento ni Abner (Mon). Isang struggling na probinsiyano na iniwan ng asawa, tumira sa Maynila at nagtatrabaho sa isang pest control. Tatalakayin dito ang kanyang mala-pesteng pamumuhay, hanggang isang araw ay na-meet niya si Viola (Jean Judith Javier) na pinepeste (sinasaktan, minamaltrato, binabalewala) ng kanyang asawa (Alvin Anson), dahil sila ay nagpa-pest control dahil sa rami ng daga sa kanilang bahay.

“Naging interesado si Abner kay Viola at gagamitin niya ang mga peste (daga) upang makapagpabalik-balik sa kanilang bahay. At ito ang magpapabago sa kanilang buhay, habambuhay,” esplika ng aktor.

Ang iba pang cast ng El Peste mula sa Strawdogs Studio Productions ay sina Jim Libiran, Leon Miguel, at Tikoy Aguiluz.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Julia Barretto Vilma Santos Judy Ann Santos

Julia ‘di tamang ikompara kina Vilma at Juday

HATAWANni Ed de Leon MAY mga pra lala na nagsasabing si Julia Barretto raw ang makakalaban nina Vilma Santos at Judy …

Robbie Jaworski Kathryn Bernardo

Robbie-Kathryn tandem maging hit kaya?

HATAWANni Ed de Leon NAAWA kami sa mga baguhang matinee idols ng ABS-CBN ngayon. Ano na ang …

Sunshine Cruz

Sunshine tinantanan na ng ‘di magandang tsismis

HATAWANni Ed de Leon SALAMAT naman at natapos na ang hindi magandang tsismis tungkol kay Sunshine …

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *