Wednesday , October 20 2021
Mon Confiado Direk Somes El Peste

Mon Confiado, magpapakita ng kakaibang performance sa El Peste

INABOT ng apat na taon bago maipalalabas ang pelikulang El Peste tampok ang premyadong aktor na si Mon Confiado. Ngunit base sa teaser ng pelikula, sulit naman ang paghihintay. Plus, may bonus pa sila dahil bahagi ng 4th Sinag Maynila Film Festival ang naturang pelikula.

Sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Richard V. Somes, kakasang­kapin ni Mon ang mga daga para mapalapit sa isang babaeng mayroon siyang pagtingin.

Ayon kay Mon, “Medyo matagal nang natapos ang EL PESTE. Pero ito kasi ay talagang hinahanapan ng timing at hindi minadaling maipalabas. Natapos namin ang shooting ng pelikula around four yrs ago pero ang post production ay hindi minadali. From editing, to dubbing, to music and sound design, kailan lang ito natapos. Unti-unting ginagawa kumbaga and finally, nakahanap na siya ng tamang venue, ang Sinag Maynila Film Festival.”

Wika niya, “Masaya ako at finally nakahanap na ng tamang tahanan ang pelikula naming El Peste. Natutuwa rin ako at ito ay Sinag Maynila Film Festival. Pangalawa ko na ito sa Sinag Maynila, ang una ay sa Swap mula sa unang batch na nagdala sa akin sa Fuzhou, China para sa Silk Road International Film Festival at ito ay napakagandang experience. Masaya rin ako dahil bukod sa nabigyan ng pagkakataon ang El Peste para mapanood ng mga Filipino sa ating bansa, ito ay nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa ating mga Filipino filmmakers na gumawa ng magagandang pelikula at sumali sa Sinag Maynila upang ang kanilang mga pelikula ay maipalabas din, hindi lamang sa Filipinas kundi sa buong mundo.”

Ano ang istorya nitong El Peste? “Ang El Peste (The Pest) ay kuwento ni Abner (Mon). Isang struggling na probinsiyano na iniwan ng asawa, tumira sa Maynila at nagtatrabaho sa isang pest control. Tatalakayin dito ang kanyang mala-pesteng pamumuhay, hanggang isang araw ay na-meet niya si Viola (Jean Judith Javier) na pinepeste (sinasaktan, minamaltrato, binabalewala) ng kanyang asawa (Alvin Anson), dahil sila ay nagpa-pest control dahil sa rami ng daga sa kanilang bahay.

“Naging interesado si Abner kay Viola at gagamitin niya ang mga peste (daga) upang makapagpabalik-balik sa kanilang bahay. At ito ang magpapabago sa kanilang buhay, habambuhay,” esplika ng aktor.

Ang iba pang cast ng El Peste mula sa Strawdogs Studio Productions ay sina Jim Libiran, Leon Miguel, at Tikoy Aguiluz.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, Male Celebrity

Frustrated male new comer no pansin na sa gays kahit mababa ang presyo

FRUSTRATED actor, singer, at commercial model siya, na talagang pinangarap niya pero hindi naman niya naabot …

Jace Flores

JACE FLORES ITINANGGI NG GMA, ‘DI KONEKTADO SA NETWORK

HATAWANni Ed de Leon NAGPALABAS na ng isang official statement ang GMA Network, na si Reynaldo Flores, …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

CASSY LEGASPI, SOBRANG NA-IN LOVE SA MGA PRODUKTO NG BEAUTÉDERM

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng young actress na si Cassy Legaspi na sobrang happy …

Gretchen Barretto, Dominique Cojuangco, Michael Hearn

GRETCHEN MALUNGKOT NA EXCITED SA KASAL NG ANAK

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Gretchen Barretto na hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon …

Blind Item gay sex

AKTOR WALANG TAKOT MAKIPAG-SEX BASTA MAY BAYAD

INAAMIN naman daw ng bi-sexual na male star na kuntento siya sa naging fling nila ng isang male star na …

Leave a Reply