IPINARAMDAM ng Philippine team ang kanilang lakas sa Thailand Open upang bigyan ng babala ang mga makakatunggali sa Southeast Asian Games.
Humakot ng dalawang bagong national records, tatlong gold medals, dalawang silvers at isang bronze ang National squad.
Sinungkit ng quartet nina Archand Bagsit, Edgardo Alejan, Michael del Prado at Joan Caido ang gold medal sa men’s 4x400m relay habang si Aries Toledo ay nag-uwi ng silver medal.
Ang ibang atleta sa national squad na nagpakita ng magandang performance ay sina Mark Harry Diones na sinilo ang gold medal sa triple jump (16.13m), Ronne Malipay, nagwagi ng bronze sa parehong event na may personal best 15.85m, Patrick Unso na hinablot ang silver at naging unang Filipino na may oras nang under 14sec sa 110m hurdles (13.91s).
“The whole idea is to capitalize on the winning momentum generated from all the competitions participated in by the team and the camaraderie built from the months of training together as a team.” saad ni PATAFA president Philip Juico.
Sunod na major competitions ng national squad ay ang Asian Athletics Championships sa Odisha, India mula Hulyo 6 hanggang 10, Pre-SEA Games Malaysia Open (July 16-18) at World Championships sa London (August 4-13).
Pinamunuan nina Eric Cray at EJ Obiena ang mga national athletes na babanat sa London world athletics tilt. (ARABELA PRINCESS DAWA)